PAMBANSANG Idol ang turing kay Coco Martin ng netizens lalo pa’t ang dami niyang tinutulungang artista via his toprating teleserye FPJ’s Ang Probinsyano.
His latest help came when he gave CJ Ramos a second chance nang makalabas ito ng kulungan matapos masangkot sa droga. Kinuha niya ito na maging part ng Probinsyano.
With that, netizens thanked him for giving CJ a second chance.
“Thanks Coco for your kind move everybody deserve second chance.”
“Ang bait talaga ni Coco. Kaya maraming blessings din nadating sa kanya.”
“Ganyan si Coco matulungin at ang abs cbn ganyan sila kabait at matulungin.”
“Maganda reward syo Coco Martin ng Panginoon sa kabutihan ng kalooban mo sa kapwa. Hindi ka naghahanap ng kapalit kaya ginhawa sa buhay ang mararanasan mo. Marunong lang tumulong sa mga hopeless at naliligaw ng landas.”
“Ang bait talaga ni Coco Martin kaya ang ganda ng Probinsyano kc lahat ng mga artista dati na wala na gaanong labas sa TV binibigyan nya ng break sa AP kya lalong tumatagal at lalong gumaganda godbless! Coco Martin idol talaga kita.”
q q q
Tuwang-tuwa si Gretchen Barretto nang makakita siya ng Pinay staff sa kanyang bakasyon sa Australia.
She was so excited that she took a short video of the Pinay staff. Tuwang-tuwa ang female OFW na nagsabing five years na siyang hindi nakakauwi sa ating bansa.
“Always a joy to see our kababayans wherever we travel. Meet Merlinada from Las Piñas. She hasn’t been home to the Philippines in 5 years,” caption ni La Greta sa kanyang video.
“It’s so nice to see Filipinos kasi here,” say pa ni La Greta sa video.
“Kaya pala pag nakakita ka ng Filipina talaga namang mangiyak ngiyak tayo…” she added at kitang-kita naman sa kanyang mga mata na teary-eyed siya.
q q q
Saab Magalona went ballistic, at least to our eyes, ha, sa new traffic scheme na High Occupancy Vehicle (HOV) of the Metro Manila Development Authority (MMDA). Under the scheme ay pagmumultahin ang mga driver na mag-isa lang na nagda-drive sa EDSA.
With that, Saab, daughter of rapper Francis Magalona, took to Twitter to vent her ire on the MMDa project.
“This is some elitist bullsh*t. At least make a designated single-passenger lane? OR ASA BA? EH YUNG BUSES NGA DI SUMUSUNOD SA RULES ANG LAKI LAKI NA NYAN HINDI NYO PA MAKITA YUNG MALING GINAGAWA NILA.”
“You know who won’t be affected by this? Politicians with several cars and drivers? LET’S PROMOTE CAR POOLING BUT LET’S GIVE RIDE SHARING APPS A HARD TIME WITH THEIR PERMITS HAHAHAHA I LOVE MONEY!!! – govt.”
‘Yan ang sunud-sunod na aria niya which we find logical.
Palaging commuters and hoi polloi riding public at masa lang naman ang affected sa mga policies ng gobyerno. Hindi naman sumasakay sa MRT or LRT ang government officials kaya balewala sa kanila kung mula-Appari-hanggang-Jolo ang pila.
Hindi ba’t nag-viral ang pagtulo ng tubig-ulan sa loob ng bagon ng MRT? May accountability ba? May naparusahan ba? They don’t care because they don’t ride naman sa MRT, right?
Actually, kaya hindi kami bumoboto ay dahil walang solusyon ang lahat ng public officials sa perennial problems sa bansa.
q q q
Marami kaming natutunan kay Jing Castaneda-Velasco, Program Director, Bantay Bata 163, sa re-launch ng Children’s Village.
“May mga ganoong dynamic na kontrabida ang Bantay Bata sa mga pamilya kung saan ang perpetrator ay kaanak. So, nadedemanda po ang Bantay-Bata. At iyon ang isa sa mindsets na gusto nating baguhin. Hindi po kasi pag-aari ng mga magulang ang mga bata. ‘Yun po ang lumang mindset.
“Kaya natin napapalo (ang bata) kasi pag-aari kita, may control ako sa ‘yo. Iisipin mo kung ano ang gusto kong isipin mo. Magsasalita ka kung kalian ko sabihin. Hindi ba ganoon po tayo pinalaki? Usapang pang-matanda ito, hindi ka kasama, wala ka namang alam dito,” paliwanag niya.
“‘Yun ang mindset na gustong baguhin ng Bantay-Bata kasi po nakaugat ‘yun sa child rights, eh. Karapatan ng bata na magsalita, ipahayag ang kanyang kagustuhan. Karapatan niyang maglaro, karapatan niyang mag-aral. Ngayon ho, sa makabagong panahon, modern way of parenting, that should be respected and taken into account,” dagdag niyang paliwanag.
“‘Yun mga ganoon pong plugs, parenting tips ay mapapanood ninyo sa mga programa rin ng ABS-CBN,” she said.
Ang Children’s Village located in Norzagaray, Bulacan houses 120 abused children at nakaantabay sa kanila ang social worker, health care professional at house parent.