Horoscope, August 18, 2018 | Bandera

Horoscope, August 18, 2018

Madam Sophia - August 18, 2018 - 01:35 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Simulan ang selebrasyon ng iyong kaarawan sa taimtim na panalangin at pasasalamat sa Diyos. Mas maganda kung magtatanim ka rin ng punong kahoy sa isang bakanteng lupa, nakatulong ka na sa pagpreserba ng kalikasan, may hihintayin ka pang bu-ngang aanihin sa susunod na lima hanggang 10 taon. Pagkatapos, yayain ang kasuyo sa isang romantikong lugar, kung saan, habang kasama ang kasuyo mas maraming suwerte at magagandang kapalarang darating. Mapalad ang 3, 12, 21, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agara-Om.” Red at lilac ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Umiba ng landas sa araw na ito. Kapag nag-iba ka ng daan, malaking suwerte ang matutuklasan. Sa pag-ibig masarap na romansa ang dulot ng kasuyong Libra. Mapalad ang 6, 12, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Yellow at blue ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Sa araw na ito baguhin ang ayos ng silid. Iharap sa silangan ang kamang tulugan, upang dagdag na suwerte sa salapi at mainit na romansa ang mararanasan. Mapalad ang 6, 9, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om”. Red at lilac ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Ayusin ang paglakad. Kapag mabilis at matatag ang bawat hakbang ng iyong mga paa, mas maraming suwerte pang materyal at maligayang pag-ibig ang matitikman. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Name-Om.” Silver at orange ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Pag muling bumuhos ang ulan magtanim ng punong chico sa gilid ng bakuran sa gawing silangan. Ang anumang punong kahoy na matamis ang bunga ay magdudulot ng dagdag na biyaya at suwerte sa buong pamilya. Mapalad ang 7, 9, 22, 24, 32, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at orange ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Matutupad na ang inaasahan mong paglalakbay. Ngayon pa lang mag-ipon na ng maraming pera, upang pagdating sa malayong lugar may mapanggagastos ka. Sa iyong pagbabalik uwian ang kasuyo ng paborito niyang pagkain. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Red at yellow ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Mahalin ang kasuyo kahit na marami kang naki-kitang kapintasan niya. Wala namang perpektong tao. Sa pananalapi, tuloy lang ang pagsisipag, malapit na malapit ka ng yumaman. Mapalad ang 5, 15, 22, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.”
Libra – (September 23-October 23) — Upang mapanatiling masagana at nagmamahalan ang bawat miyembro ng pamilya, regular na lagyan ng sariwang bulaklak ang ibabaw ng mesa. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Gayatri-Om.” Red at pink ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang suot ang red at black na damit, isang masarap at nakapananabik na relasyon ang mabubuo. Ang kulay ding ito ang aakit ng maraming suwerte sa larangan ng materyal na bagay at sa salapi. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Padme-Om.” Pink at white ang mas buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Dadaloy ang mas maraming salapi kung tatanggalin ang mga gamit na nasa gitna ng sala. Kapag aliwalas ang sala ng bahay, mas malayang makakaikot ang chi, mas maraming suwerte at mga biyaya ang darating. Mapalad ang 5, 17, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Rama-Krisna-Govinda.” Red at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Maging bukas-palad sa mga taong nagtataglay ng bilugang hugis ng pagmumukha. Kapag natulungan mo sila, dobleng biyaya ang ibabalik nila sa iyo ng langit. Mapalad ang 4, 18, 24, 34, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Araanam-Kebanam.” Green at violet ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Isang kakilala buhat sa ibayong dagat ang magbibigay ng malaking halaga. Gamitin ito sa negosyong may kugnayan sa kumunikasyon. Sa pag-ibig, pagtiyagaan ang kasuyong Libra, kaysa sa wala kang love life. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Gopalagoh-Dosya-Om”. Purple at maroon ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Mag-display ng aquarium sa entrada ng inyong bahay. Walong itim na isda at isang pulang isda. Puwede ring walong pulang isda at isang itim na isda. Sa ganyang paraan, sususwertehin ka na at ang buong pamilya. Mapalad ang 7, 10, 27, 34, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dhipana-Om.” Violet at blue ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending