Gladys walang patawad, Ayra pinatikim ng mag-asawang sampal

NABIKTIMA ng malalakas na sampal ni Gladys Reyes ang co-star niya sa Inday Will Always Love You na si Ayra Mariano.

Ang tagal bago naka-recover ng baguhang aktres sa mag-asawang sampal na pinatikim ng primera kontrabida sa kanya.

Sa presscon ng announcement ng Season 2 ng GMA News & Public Affaits series, inalala niya
ang sampal na ginawa niya kay A-ngelu de Leon sa dati nilang series nilang Ikaw Sana na natagalan bago bumalik ang ulirat sa matindi niyang sampal.

“Tapos na ‘yung eksena umiiyak pa rin siya hanggang sa dressing room! Tapos, sabi niya, ‘I’m pregnant!’ Ay buntis pala. Kaya pala! Hindi pala ‘yon kaya umiyak. Ha! Ha! Ha!” non-stop na chika ni Gladys.

“Pero one time hindi ko na sasabihin kung sino, dito sa IWALY, dapat sasampalin ko po siya.

Sabi niya sa akin, ‘Pero huwag malakas, huh! Potah ka sasampalin din kita!’ Sabi niya sa akin! Ha! Ha! Ha!” sey niya.

“Over my dead body!” sabad naman ni Ricky Davao na siyang pinatutungkulan ni Gladys.

“Sa akin talaga, ayoko talaga. Kaya siguro until now, remarkable ang Mara Clara at heto ngayon Kasi nakita nila na totoo. Tumatawid sa mga tao. Alam nila na totoo. Taping na nga, nagpapahalata pa tayo na taping ito!

“Kasi mas totoo ‘yung reaksyon ng kaeksena. Pero pag nakita kong hindi game ‘yung kaeksena ko, huwag nating gawin ‘yon.

“Kasi hindi ko mapapangako sa ‘yo. Ano, aalagaan kita tapos ako, magmumukhang tanga! Hindi na. Huwag na!” paliwanag ni Gladys.

Read more...