Jessy muling nagbilad ng seksing katawan sa social media; body shamers natameme

WALANG kasawa-sawa si Jessy Mendiola na ilantad ang kanyang kaseksihan sa Instagram.

Nagpasiklab na naman siya kahapon sa Instagram nang ibalandra niya ang hubog ng katawan sa suot niyang two-piece bikini, huh!

Super-confident na kasi ang girlfriend ni Luis Manzano dahil achieved na achieved na niya ngayon ang inaambisyong timbang. Kaya tameme na ang kanyang body shamers na todo ang panlalait sa kanya noong malalaki pa ang pata niya.

No wonder, nangunguna si Lucky sa pagpuso sa picture ni Jessy! ‘Yung ibang followers ng aktres sarap na sarap sa balingkinitan niyang katawan!

Kahit abala si Jessy sa shooting ng festival movie niyang “The Girl in Orange Dress” ng Quantum Films, may oras pa rin siyang inilalaan para alagaan ang alindog ng kanyang katawan.

Read more...