Maymay, Edward may sariling teleserye na, bibida sa ‘Honey My Love So Sweet’

NAG-STORY conference na kahapon ang launching teleserye ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber, ang Honey My Love So Sweet under Dreamscape Entertainment TV.

Sa Instagram photos ng Dreamscape, makikita ang ilang litrato ng Mayward na kuha sa nasabing storycon. Makakasama nila rito sina Cherry Pie Picache, Pokwang at McCoy de Leon, Joey Marquez at Elsa Droga ng Miss Q And A.

Narito ang ilan sa mga comments ng MayWard fans sa bagong proyekto ng magka-loveteam.

Sey ni @mheandulay@rfeb23ann, “Para sa akin maganda ang ganitong palabas sa TV ai gabi subrang GV need natin ang mga ganitong palabas kakasawa ang drama hahaha maganda ung drama comedy at kilig diva nakakahaba nang buhay.”

Sabi naman ni @irma_ramos18, “Ang cute nilang tingnan. Priceless ung mga ngiti nla..real na real.!”

Chika ni @jnrhea08, “Dhil supa dupa excited aq huhulaan qna hahaha magina cgura c pokwang at mm dto tas mag ina nmn cherry pie at dodong.”

“Taos-pusong pasasalamat sainyo sa pagbibigay ng tiwala at pagkakataon kina Maymay at Edward,” ang sabi naman ni @karenxmw03.

Comment naman ni @lycillmanghano13, “Thanks po @dreamscapeph asahan nyo pong full support nmin dyan #MAYWARD!”

Read more...