Cherry Pie ipinagtanggol si Erich: May karapatan siyang mapagod!

CHERRY PIE PICACHE AT ERICH GONZALES

Naiintindihan ni Cherry Pie Picache kung nagsusungit man si Erich Gonzales sa The Blood Sisters.

“There are times she gets tired and you understand. Tatlo ‘yung role niya na ginagampanan niya. May karapatan siya kung medyo pagod na siya, ‘di ba? Ako nga hindi masyadong pagod nagsusungit, eh. You have to understand her. I don’t think she does it just because she wants to.

“Minsan tapos na kaming lahat siya hindi pa, nag-a-Agatha pa siya. Mahirap ang ginagawa niya. But you know, she’s soft on the inside. Napaka-sweet ng batang ‘yan. She lets you know that she appreciates you.

Magpapadala ng message, ganyan. Hindi nga siya ‘yung machika,” say ni Cherry Pie.

When asked kung sino ang favourite niya kina Carrie, Erika at Agatha na characters ni Erich, she said, “Bilang Adele, ang binabantayan ko si Agatha kasi siya ‘yung gusto mong iligtas na hindi mapahamak. Pero ang loveable ay si Erika kasi marami siyang pinagdaanan. Bilang Cherry Pie, parang type ko si Agatha. Ha-hahaha.”

Read more...