Pinoy na gumanda ang buhay kumonti

DUMAMI ang mga Filipino na nagsabi na hindi gumanda ang kanilang buhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa survey ng Social Weather Station noong Hunyo.

Sa tanong kung ikukumpara ang uri ng inyong kasalukuyang pamumuhay sa nakaraang 12 buwan, sinabi ng 32 porsyento na mas gumanda ito samantalang 27 porsyento ang nagsabi na ‘mas masama ngayon’. Wala namang nagbago sa 41 porsyento.

Mas mababa ito kumpara sa survey noong Marso kung saan naitala ang pagganda ng buhay ng 41 porsyento, at 21 porsyento ang nagsabi na sumama ito. Ang walang pagbabago ang 37 porsyento.

Umaasa naman ang 49 porsyento na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, mas mataas sa 46 porsyento na naitala sa mas naunang survey.

Ang mga nagsabi na lalong lulubha ang kanilang kalagayan ay limang porsyento mas mababa ng isang porsyento sa survey noong Marso.

Positibo rin ang pagtingin ng 43 porsyento na nagsabi na gaganda ang ekonomiya at 13 porsyento ang nagsabi na hindi.

Ang survey ay ginawa mula Hunyo 27-30 at kinuha ang opinyon ng 1,200 respondents.

Read more...