Brandon Vera kumasa sa hamon ng Magpakailanman

BRANDON VERA AT DEVON SERON

Sasabak naman sa drama ang martial arts fighter na si Brandon “The Truth” Vera matapos ang maaksyon niyang movie na “Buy Bust” with Anne Curtis.

Siya ang makakatambal ni Devon Seron sa episode ng Magpakailanman ngayong Sabado na may titulong “Nakita Kita: A Blind Love Story.”

Sa totoo lang, kahit may maayos na buhay sa ibang bansa, mas pinili ni Brandon na manirahan sa Pilipinas. Second home na niya ito kaya pabalik-balik na lang siya sa ibang bansa.

Bukod sa MPK, may follow up film na si Brandon. Kasalukuyan niyang ginagawa ang pelikulang “Sgt. Azkal” under Reality Entertainment.

Read more...