Xian Lim bawal nga bang umapir sa mga show ng ABS-CBN?

XIAN LIM, SARAH GERONIMO AT JAMES REID

Tanong ng fans ni Xian Lim: Bawal nga bang umapir ang aktor sa mga programa ng ABS-CBN? Napansin kasi ng supporters ng binata na hindi siya kasama sa ginawang promo tour nina Sarah Geronimo at James Reid para sa pelikulang “Miss Granny” sa ilang shows ng ABS-CBN.

Ayon sa mga netizens, sina Sarah at James lang ang napanood sa It’s Showtime at hindi rin siya nakasama sa taping para sa Gandang Gabi Vice.

Sa kanyang Twitter account, sinagot ni Xian ang ilan niyang followers, “I also have the same question…good vibes nalang po palagi.”

Isa pang tweet ni Xian bilang sagot sa isang netizen na nagtataka rin kung bakit hindi siya kasama nina Sarah at James nang mag-promote ang dalawa sa mga ABS-CBN show.

“I would be more than happy to promote. I’m just waiting for an advise. Maybe the shows do not approve. I really don’t know,” pahayag ni Xian.

Ayon naman sa isa pang fan ng binata, gusto rin niyang makita sa promo rounds ng “Miss Granny” si Xian, na sinagot naman ng binata ng, “I want to see me too. I really don’t know what the problem is.”

Read more...