SINUPALPAL ni Kris Aquino ang mga netizen na nagsabing kaplastikan at “for publicity purposes” lang ang ginawa niyang pagtulong sa mga taga-Marikina na nasalanta ng matinding pagbaha.
Sa kanyang Instagram account, nag-post ang Social Media Queen ng litrato at video ng isinagawa nilang relief operation sa H Bautista Elementary School sa Marikina. Ilang followers niya ang nag-comment ng negatibo tungkol dito.
Publicity stunt at may bahid politika raw ang pagbibigay ng tulong ni Kris sa mga biktima ng baha. Sabi ng isang basher, “Just a photo op.”
Sinagot naman ito ni Kris ng, “I refuse to be judged & bullied in my territory. Very politely let me say: GET OUT. Kung gusto mo kong siraan have the decency to do it in your own feed. #laban #notobullying.”
Isang netizen ang nagsabi na huwag nang intrigahin at lagyan ng malisya ang pag-aabot ng tulong ni Kris na sinagot naman ng Queen of All Media ng, “Care ko—hard earned money ko po ang pinambili ng dinala namin.
“I wanted to just express my gratitude for all our blessings. My sons & I wouldn’t have what we have kung di dahil sa love ng mga tao,” aniya pa.
May nag-suggest naman na totohanin na ni Kris ang akusasyon sa kanya na pasukin na rin ang politika at tumakbo nang senador sa 2019.
May diin ang sagot ni Kris, “Mas okay nang magtrabaho ng marangal at palaguin ang mga negosyo namin para yung pagtulong hindi na pagdududahan pa. I felt correct timing kasi alam ng lahat GRATITUDE was my motivation, not because may campaign or anything.”