Pinas tinambakan ang Kazakhstan sa Asian Games basketball

KAPOS man sa panahon ang praktis at kahit pa wala ang mga tinaguriang superstars ng Philippine basketball ay ipinakita ng pambansang koponan na hindi matatawaran ang husay ng mga Pinoy sa basketball.

Huwebes ng tanghali sa pagbubukas ng kampanya nito sa 18th Asian Games men’s baketball sa Indonesia ay tinambakan ng Team Pilipinas ang Kazakhstan, 96-59.

Nagawa ito ng mga Pinoy kahit pa hindi nakapaglaro ang NBA player na si Jordan Clarkson.
Dumating na sa Indonesia ang point guard ng Cleveland Cavaliers pero hindi siya umabot sa laro. Gayunman, si Clarkson pa rin ang magiging flag-bearer ng Philippine delegation sa opening ceremony ng kada apat na taong palaro sa Sabado.

Inaasahan namang maglalaro ang 6-foot-5 na si Clarkson sa pangalawa at huling preliminary game ng Pilipinas sa Group D kontra powerhouse China sa Martes.

Kontra Kazakhstan ay agad na kinuha ng Team Pilipinas ang 12-2 kalamangan sa first quarter at hindi na lumingon pa.

Umiskor ng 18 puntos si Stanley Pringle para pangunahan ang pambansang koponan,
Nag-ambag naman ng 15 puntos si Christian Standhardinger at 12 puntos si James Yap.
Si Anton Bykov, na may 12 puntos, ang tanging malalaro ng Kazakhstan na umiskor ng double digit sa laro.

Read more...