Erich sa The Blood Sisters: Sinubok ako rito bilang isang tao!

BIG challenge para kay Erich Gonzales ang three characters niya sa The Blood Sisters na magtatapos na this week.

“Parehong mahirap sila kasi iba-iba ang pinanggagalingan nilang tatlo. Pero sobrang na-enjoy ko i-portray si Agatha. Agatha is very funny at nakaka-adlib ako sa kanya na parang napapagana ang utak ko kapag nagla-lines na si Agatha.

“In fairness naman kahit kay Erika or Carrie kapag may input tayo tinatanong natin kay direk,” chika ni Erich sa amin.

When we asked her kung sino siya sa tatlo, Erich refused to particularly name only one.

“Ako po si Erika, si Carrie at Agatha. Sinabi ko po noon na lahat naman po yan merong Erika, Cary and Agatha in me,” she said.

“Sabi ko nga po lahat ng natutunan ko dito sa Blood Sisters, lahat ng na-experience ko ay babaunin talaga ‘yun kahit saan man ako makarating.

“Ito talaga ang project na sumubok sa ating kakayahan hindi lang bilang artista kundi bilang tao. ‘Yung presence of mind ninyo, ‘yung discipline, lahat na amg dami kong natutunan,” dagdag pa niya.

Read more...