Young actor ayaw paawat sa pagsasalita ng ingles kahit dumudugo na ang ilong

MAY tinatawag nang junior ngayon ang isang male personality na kahit kausapin mo sa Tagalog ay kung bakit sa Ingles pa rin siya sumasagot. Puwede naman siyang hindi mahirapan pero talagang naghahanap ng indulto ang aktor.

Sa isang malaking okasyon ay may nagkakaisang komento ang mga nandu’ng miron. Meron nang junior si kuya, ipinanganak na ang magmamana sa kanyang trono, isang young actor na pala-
Ingles din.

“Siya na nga! Siya na nga ang junior ng isang male personality na kahit pilipit na pilipit na ang dila, e, sige-sige pa rin sa kai-Ingles! Meron na nga siyang junior!

“Look n’yo ang young actor na ‘yun, kung bakit puwede naman siyang magsalita sa native tongue natin, e, kung bakit Ingles nang Ingles!

“Mabuti sana kung magaling siya, kung tama ang kanyang grammar at pronunciation, kaso, sablay naman siyang magsalita! Bakit kasi pipiliting mag-English, e, hindi naman siya laki sa ibang bansa?

“Alam naman ng publiko kung saan siya nanggaling, umaktong yayamanin ba na spokening dollars siya kapag tinatanong? Nakakahon naman ang mga linya niya ng English, as in, paulit-ulit na ganu’n lang naman siyang magsalita ng king’s language!” naiinis na chika ng aming source.

At mahilig pa pala sa pagsasalita nang pa-slang na English ang young actor, puwede naman nitong simplehan lang ang pagsasalita, pero para siyang laking-New York kung maglitanya.

Kuwento uli ng aming impormante, “Siya si Mr. Wazz up! Ganu’n ang tawag sa kanya ng mga ka-contemporary niyang personalities. Kahit kasi hindi naman siya yayamanin at galing sa exclusive school, e, wazz up siya nang wazz up!

“Nu’ng minsan ngang interbyuhin ang kanilang grupo sa isang variety show, e, gusto na siyang kutusan ng mga kasamahan niya! Pilipino ang gamit na lengguwahe ng mga kasamahan niya, pero siya naman, e, nag-uumingles pa rin!

“Sabi ng isang kagrupo niya, ‘Magsalita na kasi sa manner na mas kumportable ka! English ka pa nang English, e, para nang lubid sa kapilipit ang dila mo!’

“Kahit pala nu’ng hindi pa siya artista, e, ganyan na siya! Magaling siyang mag-basketball, tanggap naman ng mga kagrupo niya ‘yun, pero mag-Tagalog na lang dapat siya kapag nagsasalita!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, getlak n’yo na kung sino siya?

Read more...