Horoscope, August 15, 2018

By Madam Sophia August 15,2018
share this

Horoscope, August 15, 2018

By Madam Sophia August 15,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Magiging masigla ang araw dahil sa malaking halaga ng salapi na biglaang matatanggap. Sa pag-ibig, pagdating ng hapon, sa isang Aries lalong iinit ang pakikipag-relasyon. Mapalad ang 6, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Ne-Pad-Me-Om.” Yellow at red ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi natatapos ang problema at hindi rin nauubos ang dating ang suwerte. Ang kaibihan lang ng dalawa, ang problema ay kusang dumarating sa mga taong may magulong isipan habang ang suwerte ay kusang nalalasap ng mga taong may peace of mind. Nilay-nilayin mo ang katotohanang nabanggit upang lumigaya ka at magtagumpay. Mapalad ang 5, 18, 27, 34, 41, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Omne-Venit.” Pink at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Huwag basta-basta na lang magtampo sa kasuyo; ganoon lang talaga ang ugali ng iyong kasuyo, may pagka-dominante talaga. Sa pinansyal, kung hindi ka napautang, huwag sasama ang loob at maghanap na lang ng ibang mahihiraman ng pera. Mapalad ang 6, 15, 21, 29, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Speculum-Om-Homine.” Lilac at white ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — May oportunidad na darating sa pangingibang-bansa – sunggaban mo agad. Sa pag-ibig, huwag nang pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Oktubre, ka-compatible at katugma mo siya. Mapalad ang 5, 18, 25, 37, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om.” Blue at maroon ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi dapat pairalin ang damdamin upang kumita nang mas malaking halaga. Sa pagiging praktikal ay yayaman ka. Sa pag-ibig, huwag nang pakawalan ang kasuyong Capricorn. Mapalad ang 2, 7, 29, 33, 37, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Bodhana-Om.” Green at gold ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Higit na kikita ng malaking halaga kung papanatiliin ang pagiging low profile. Sa pag-ibig, wag dominahan ng labis ang kasuyo upang hindi siya mawala. Mapalad ang 1, 10, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Yellow at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Sa pag-ibig, isang kakalat-kalat na Libra ang iyong matitisod, mainit na pagniniig ang mabilis na kasunod. Sa pinansyal, habang nagpapakasipag ay tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 1, 9, 14, 19, 28, 40. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ca-Dabra.” Blue at silver ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Mas mabilis na uunlad kung magko-concentrate sa ginagawa at huwag nang masyadong makipagdaldalan. Sa pag-ibig, sa isang Virgo ikuwento ang lahat ng sama ng loob, daramayan at mauunawaan ka nya. Mapalad ng 3, 6, 16, 24, 34, at 48, Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kedemel-Om.” Red at Purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Pera na naman ang magiging problema. Itigil na kasi ang negosyong hindi naman kumikita. Sa pag-ibig, sundin ang suhestyon ng kasuyo upang maiwasan ang mas mabibigat pang problemang may kaugnayan sa pinansyal. Mapalad ang 2, 11, 19, 32, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra:“Om-Padme-Om.” White at magenta ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Isang kaibigan ang hihingi ng favor. Tama ang iyong iniisip, tulungan at damayan mo siya. Sa pag-ibig, ngayon pa lang paglaanan na ng budget ang muling pagde-date n’yo ng kasauyong kuripot. Mapalad ang 7, 11, 23, 29, 39, at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vah-Weh.” Green at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Hindi mo madadala ang salapi sa langit, mas mainam kung itutulong mo ito sa mga nangangailangan lalo na ngayong panahon ng tag-baha at kalamidad. Sa ganyang diskarte, lalo pang lalago ang iyong kabuhayan. Mapalad ang 4, 7, 9, 25, 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Dosya-Gonvinda-Om.” Beige at blue ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Upang umunlad, laging isaisip ang kasabihang: “Pera-pera lang walang personalan!” Sa pag-ibig, paglaanan ang future, imungkahi sa kasuyo na mag-share-saving kayo at sa iyo ipatago ang nasabing ipon. Mapalad ang 4, 12, 21, 36, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mimo-Om-Agara.” Red at lilac ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Gagantimplaan ka ng tadhana, kusang madadagdagan ang kinita sa buwan ng Setyembre. Sa pag-ibig, lalong iinit at sasarap ang pakikipagniig sa isang Scorpio habang patuloy ang buhos ng pabugso-bugsong ulan. Mapalad ang 6, 15, 22, 26, 35 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Name-Aum.” Silver at orange ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending