ISANG technical working group (TWG) ang binuo ng House Committee on Games and Amusement upang bumuo ng isang panukalang batas para sa regulasyon ng e-sabong o online sabong sa bansa.
Si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe ang inatasan ng chairman ng komite na si Paranaque City Rep. Gus Tambunting na mamuno sa TWG.
Ayon kay Batocabe isa sa dapat na matugunan ng panukala ang kapangyarihan na kailangang ibigay sa Games and Amusement Board (GAB) at kung ano ang maaaring iparusa sa mga lokal na pamahalaan na lalabag sa gagawin nilang panuntunan.
“The problem now is who will enforce the regulations if the LGU is the one violating the law?” tanong ni Batocabe.
Kung si 1Pacman Rep. Enrico Pineda naman ang tatanungin mas mapabibilis umano ang pag-regulate sa e-sabong kung ibibigay ito sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
“If we will work on a bill that will legalize e-sabong, it will take forever. But if we will give the mandate to PAGCOR for them to oversee and regulate e-sabong, I think we can pass it immediately,” ani Pineda.
Sinabi naman ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano na dapat saklaw ng regulasyon ang mga international cockfight.
“Yung live streaming outside the country, mas matindi pustahan doon and nothing goes to the government. It’s unfair to the government. ‘Yung betting sa mga international derbies, millions of pesos ang involved. Now, the GAB is just getting P300 per sultada,” ani Paduano.
Ayon kay GAB Legal Division Chief Atty. Ermar Benitez mahalaga na mabantayan ang pustahan sa mga e-sabong.
“That’s the only role left with the GAB. That is why we support very much the House bill because it already specifically provides what kind of regulation the national government can do through GAB,” ani Benitez.
Dagdag naman ni GAB chairman Abraham Kahlil “Baham” Mitra na inabolis na ang Game Fowl Commission (GFC) at ang trabaho nito ay inilipat sa GAB.
Ayon kay Mitra dati ay nagbabayad sa GFC ng P200 hanggang P300 kada sultada.
“So, all over the country, lahat po ng sabong, meron pong sine-set aside para sa GFC. Ngayon, when we assumed, we are appointed by the President, I made that announcement that wala nang dapat mangolekta niyan kasi abolished na nga ang GFC” ani Mitra.
Wala naman umanong inire-remit ang mga sabungan sa GAB.
“It’s supposed to be collected. Sa lahat po ng center bets, may binabawas na P200. Sinasabi nila sa GAB, sa Game Fowl Commission, wala po silang nire-remit sa amin, ni piso. Wala rin po kaming nireresibuhan. Pero kahit saang sabungan, sinasabi na meron,” ani Mitra.
“Wala pong nakukuha ang national government. Wala rin po kaming nire-remit sa Bureau of Treasury.”
Dagdag pa ni Mitra na handa ang GAB na tumugon at kumilos ayon sa napagkasunduan sa Kamara. —Leifbilly Begas
Regulasyon para sa E-Sabong pinaplantsa
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...