Ian naaksidente sa motor, patay: Fake news!

IAN VENERACION

Si Ian Veneracion ang pinakabagong biktima ng death hoax sa social media. Mismong ang aktor ag nag-post sa Instagram ng screenshot ng balitang namatay siya sa isang aksidente na may titulong, “PANOORIN: Ian Veneracion, patay matapos madisgrasya ang minamanehong motor!”

Idinaan na lang sa biro ni Ian ang “pagpatay” sa kanya ng isang website. Caption ng aktor sa kanyang IG post, “Kaya pala di ako pinapansin ng asawa ko!”

Ilang celebrities naman ang nagpahayag ng pagkagulat, pagkadismaya sa balitang namatay na si Ian. Pero meron ding natawa sa nasabing death hoax.

Comment ni Richard Gomez, “Hahahahaha! Mabuhay ka!!”

Reaksyon naman ni Nadia Montenegro, “Sino yung kausap ko kahapon??? Ingat Bro! See you soon! You are covered by the blood of Jesus.”

Read more...