Horoscope, August 14, 2018 | Bandera

Horoscope, August 14, 2018

Madam Sophia - August 14, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sinasabi ng langit na dapat mong simulan ang araw na ito sa pagsisimba at pagninilaynilay. Kapag ganyan ka, mahilig magpasalamat, mananatili ang magandang kapalaran at ang buenas sa iyong kapalaran, maging sa pag-ibig at materyal na bagay man. Mapalad ang 1, 8, 14, 19, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Om.” Beige at white ang buenas.
Aries – (March 21-April 19) — Ituloy mo ang iyong mga balak, hindi ka dapat abalahin ng mga pagbaha at paglaki ng tubig. Sa ganyang paraan, buo ang iyong loob at determinado ka ipagkakaloob sa iyo ng langit ang tagumpay na may kasamang labis na kasiyahan. Mapalad ang 3, 12, 19, 23, 26, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Avayara-Om.” Pink at purple ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Mag-ingat sa kabigang kulot ang buhok na mangungutang ng malaking halaga at pagkatapos ay hindi na magbabayad. Sa pag-ibig, wag pagtangkaang lokohin ang minamahal, dahil sa bandang huli ikaw din ang masasaktan. Mapalad ang 6, 9, 18, 36, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mori-Om-Moti.” Blue at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Upang umunlad, ang isa ay dapat maging dalawa at ang dalawa ay dapat maging apat. Sa pormulang, “multiplication”, mas mabilis kang yayayaman. Sa pag-ibig, hindi naman dumami ang kasuyo, isa-isa lang upang lumigaya. Mapalad ang 5, 8, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Regama-Om.” Silver at gray ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Wag malungkot, panahon na upang magsaya. Tandaan mo ang susi ng iyong tagumpay, kapag masaya ka kusang darami ang pera. Sa pag-ibig, hawahan ng saya ang kasuyong malungkutin upang ang relasyon ay lumigaya. Mapalad ang 1, 7, 16, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at violet ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal, hangga’t hindi ka natutong magtipid, patuloy kang kakapusin ng salapi. Sa pakikipagrelasyon hangga’t hindi ka nakikipagbalikan sa isang Aries mananatiling malungkot ang love life. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ananda-Om.” Yellow at maroon ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Bago simulan ang anomang proyekto, humigop muna ng mainit na kape o kaya’y masarao na sabaw. Sa ganyang paraan, mas magiging aktibo ang iyong isipan. Sa pag-ibig, ilibre ang kasuyo sa isang coffee shop, upang kapwa mag-init ang inyong pakiramdam. Mapalad ang 5, 9, 23, 35, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shari-Dosya-Om” Blue at red ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kapag kumita ng malaking halaga, itago mo agad ang kalahati upang makaipon. Oohan mo lang lagi ang iyong kasuyo, dahil isa rin siya sa nagdadala sa iyo ng suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 1, 9, 24, 34, 48 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agara-Sandhapa-Om.” Pink at silver ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sobrang love ka ng iyong kasuyo kaya madalas siyang mag-selos. Mamayang gabi, romansahin siya ng todo upang mawala ang paghihinala. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Malka-Om.” Red at orange ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kalimutan na ang nakaraan! Magbagong simula ka ngayon upang kumita ng mas malaking halaga. Sa pag-ibig bagong ka-relasyon ang dapat, isang Leo ang magpapaligaya sa iyo ng husto. Mapalad ang 9, 15, 24, 27, 35 at 49. Mahiwaga mong manrta: “Om-Ketu-Mandala-Om.” Lilac at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Kaiingitan ka ng iyong mga kaibigan, hindi mo kasi sila pinapansin. Sa isang pagtitipon, imbitahan ang mga kaibigan at isipin mo kung paano sila mapagkakakitaan. Sa pag-ibig, makuntento sa kasuyong may kayumangging kulay ng balat. Mapalad ang 4, 17, 24, 33, 42 at 47, Mahiwaga mong mantra: “Om-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at green ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Hanapin ang isang nilalang na isinilang sa zodiac sign na Leo, o kaya’y Libra, siya ang magpapaligaya sa iyo. Sa pinansyal, hindi pera ang sagot sa kalungkutan, kundi ang isang tapat at pang habang buhay na pakikipagrelasyon. Mapalad ang 1, 4, 10, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Govinda-Dosya-Om.” Red at black ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Isang kaibigan ang mangangilangan ng tulong. Magtago ka! Siya ang kaibigang hindi marunong magbayad ng utang. Sa pag-ibig, wag ipautang ang salapi na ibinibigay ng kasuyo, para yan sa inyong pamilya. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Agiel-Om-Yophiel.” Orange at maroon ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending