“SILENT supporter” pala ni Marian Rivera si Aiko Melendez. Ito ang inamin niya sa kanyang birthday message kay Yan last Sunday.
Pagbati ni Aiko kay Marian sa pamamagitan ng Instagram: “Happy Birthday sa isa sa pinakamagandang mukha na nakita ko with or without makeup. Madami ang di nakakaalam na silent supporter ako ni Marian. Nagsimula ang paghanga ko sa kanya one Sunday afternoon while watching her interview.
“Nakatapos ng pag-aaral sa La Salle Dasmariñas, napakabait na provider, and she lived with her grandmother, who became her guardian and the one who helped Marian grow up to be the respected woman she is now,” sey pa ng aktres.
Mas lalo raw humanga si Aiko sa misis ni Dingdong Dantes nang maasikdente siya noon, “One time I posted a picture na I got into an accident, to my surprise she messaged me sa IG direct asking, ‘Ate, are you okay? Please get well
soon.’
“‘Di ba, so ayan kaya sabi ko sa sarili, winner itong tao na ‘to. Napakatotoo,” papuri pa ni Aiko kay YanYan.