Pagrampa ni Maymay sa runway aprub kay Tyra Banks

NAGPIYESTA na naman ang MayWard fans matapos mag-react ang supermodel na si Tyra Banks sa mga runway photos ni Maymay Entrata. Ito na ang ikalawang pagkakataon na napansin ni Tyra ang PBB Lucky Season 7 big winner.

Una na nitong ni-like ang mga Star Magic Ball photos ni Maymay last year, and this time binigyan uli ni Tyra ng thumbs up ang pagrampa ng dalaga sa isang fashion event nang mapanood ang 41-second clip sa Twitter. Dahil dito, tuwang-tuwa ang fans ni Maymay kaya bumaha na naman ng good vibes sa social media.

Read more...