Level-up na kabitan, sampalan, bugbugan sa teleseryeng ‘Halik’

NAGSIMULA na kagabi ang teleseryeng Halik na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby. Ito ang kapalit ng Since I Found You.

Ang dami palang nag-aabang sa Halik na narinig naming pinagkukuwentuhan sa food court ng ELJ Building sa ABS-CBN habang nagpapalipas kami ng oras.

Sabi ng isa na nasa kabilang mesa, “Finally mapapanood na, ang tagal hinintay. Excited na ako, guwapo nina Echo at Sam.”

Napag-usapan din nila ‘yung interview kina Yam at Yen sa Tonight With Boy Abunda na grabe raw humalik si Sam. Hirit ng isa, “Sana ako na lang ‘yun!”

At dahil dito, kumpirmadong supporter siya ni Sam. Sabi pa ng grupo na ganitong kuwento ng serye ang inaabangan nila, may mga sampalan, awayan at kabitan, “Parang pelikula di ba, taray!”

Well, abangan natin kung makakatulong nga ang ganitong formula sa Halik na napapanood sa Primetime Bida mula sa direksyon nina Cathy Camarillo at Carlo Po Artillaga.

Read more...