Kathryn ‘hiwalay’ muna kay Daniel; ka-join sa reunion movie nina Sharon at Richard

SA kauna-unahang pagkakataon makalipas ang halos pitong taon, gagawa ng pelikula si Kathryn Bernardo na hindi kasama ang kanyang ka-loveteam na si Daniel Padilla.

Si Kath ang gaganap na anak nina Richard Gomez at Sharon Cuneta sa bagong pelikula ng Star Cinema na “Three Words To Forever” na ididirek ni Cathy Garcia Molina. Ito ang magsisilbing reunion movie nina Mega at Goma after 15 years.

Sa storycon ng pelikula natanong si Kathryn kung ano’ng feeling na hindi niya makakasama si DJ sa proyektong ito, “Malaking adjustment para sa akin. For the past six or seven years, I’m with DJ and parang break namin na project ito muna for the meantime.

“But I’m very lucky na sa project na ‘to kasama ko sina Ms. Sharon and Sir Richard pa. So nandiyan sila to guide me of course. Mixed emotions po. I’m very excited sa bagong adventure na ‘to para sa’kin,” pahayag ni Kathryn sa panayam ng ABS-CBN. Pero bago ito, mapapanood muna sila ni DJ sa kanilang bagong movie na “The Hows Of Us” na idinirek din ni Cathy Molina.

Ayon naman kay Sharon, triple ang excitement na nararamdaman niya sa pagtatambal nila uli ni Goma na huli niyang nakasama sa pelikulang “Walang Kapalit”.

“I’m very happy, very excited. It’s been 15 years since our last project together. This is the 30th anniversary of our loveteam so nakakatuwa. And of course, it adds another 100 percent sa excitement because it’s our first time to be working with Kathryn. And another 100 percent because one of my favorite directors and best friends is directing us,” ani Mega.

Para naman kay Richard, regalo nila ito ni Sharon sa mga fans nila na matagal nang naghihintay sa kanilang reunion movie. Ayon kay Goma ang “Three Words To Forever” ay, “It’s a story about a family. It’s basically a love story. It’s a story of three generations, three families, three marriages.”

Read more...