Jackpot sa Ultra Lotto posibleng umabot sa P370M

POSIBLENG umabot na sa P370 milyon ang jackpot sa Ultra Lotto 6/57 sa bola nito bukas. 

Ito’y wala pa ring tumama sa P363.9 milyong jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 sa bola Linggo ng gabi.

Hindi natayaan ang winning number combination na 01-13-42-24-53-56, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

Bukas ng gabi (Martes) ay maaaring umabot sa P370 milyon ang jackpot prize.

Nanalo naman ng tig-P154,200 ang 15 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero. Tig-P2,670 naman ang 692 mananaya na nakakuha ng apat na numero.

Nanalo naman ng tig-P20 ang 18,991 mananaya na nakakuha ng tatlong na numero.

Binobola ang Ultra Lotto tuwing Martes, Biyernes at Linggo.

Read more...