Occidental Mindoro niyanig ng magnitude 4.5 lindol

NIYANIG ng magnitude 4.5 lindol ang Occidental Mindoro kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-9:37 ng umaga.

Ang sentro nito ay 55 kilometro sa kanluran ng bayan ng Looc. May lalim itong 33 kilometro.

Nagresulta ito sa Intensity III paggalaw sa Looc at Intensity II sa Lubang.

Walang inaasahang aftershock ang Phivolcs sa pagyanig na ito.

Read more...