Beauty wala pang kontrata sa GMA kaya pwede pang umapir sa ABS

BEAUTY GONZALES

KAPAMILYA pa rin ba o Kapuso na si Beauty Gonzalez?

‘Yan ang tanong ng ilang netizens matapos mapanood ang aktres sa Maalaala Mo Kaya last Saturday. Knows kasi ng iba na lumipat na sa GMA si Beauty. In fact, lumabas na siya sa isang Kapuso program kamakailan.

Tapos bigla siyang napanood ulit sa ABS-CBN sa Asia’s longest drama anthology last Saturday hosted by Charo Santos.

Ginampanan niya ang karakter ni Joan na isang ina na lumaban para sa karapatan ng kanyang mga anak.

Unang nag-post si Beauty ng kanyang appearance sa MMK through her Instagram account.

According to her, it’s her first time to do an episode of MMK pagkatapos niyang lumabas sa GMA 7.

Hindi naman daw nakapirma ng exclusive contract si Beauty sa Kapuso network kaya puwede pa siyang lumabas sa ibang TV station.

Read more...