Erich male version ni Tom Cruise sa Pinas: Kung oras mo na, oras mo na!

WALANG takot si Erich Gonzales sa paggawa ng sariling stunts sa latest film niyang “We Will Not Die Tonight.” Muntik pang ikamatay ni Erich ang mga ginawa niyang action scenes sa movie na idinirek ni Richard Somes.

Nakuryente at tumilapon si Erich sa isang eksenang kinunan sa loob ng elevator then na-tangle rin siya sa barbwire na kailangan niyang talunin at kapag bumitaw siya doon, mapupugutan siya ng ulo. Kaya ang ginawa ng production at ni Direk Richard tinulungan agad siyang matanggal sa barbwire.

Yung sa elevator daw ang talagang buwis-buhay scene na ginawa ni Erich sa movie, “Kasi hindi namin alam, akala namin patay na lahat ng kuryente, tapos may gumagamit din pala sa isang part ng abandoned building and nag-operate na pala sila that time.

“So, timing ‘yun ‘yung scene ni Erich na biglang pag-ano niya, nakaramdam siya na nakaandar na lahat ng kuryente sa ilamim. So, talagang shake siya agad. Buti nakabitaw siya agad kasi pawis na pawis na siya. So, sabi ko, ‘Okey, okey. Scrap na ‘to.’ It’s too dangerous,” kuwento pa ni Direk.

Feeling babaeng Tom Cruise raw si Erich sa elevator scene na yun na isa sa highlights ng movie.

“Oo, tumo-Tom Cruise siya. So, dalawang beses nangyari ‘yun. And, talagang tinigil ko na kasi madidisgrasya na siya talaga. And the next day sinabi ko sa kanya, ‘Rich, tinanggal ko na ‘yung scene, ha.’ Nagalit siya. ‘Gawin natin ngayon ‘to.’ So, ‘yun. Last day, talagag ginawa pa talaga. Nilagyan namin ng maraming aspalto ‘yung kamay niya para hindi niya maramdamn ‘yung kuryente just in case meron,” paliwanag pa ng direktor.

Given a chance na may ganito raw ulit eksena sa mga susunod na proyekto niya, eto ang sabi ni Erich, “Yes, more! Part two! Part two!”

Say pa ni Erich, “Nadala ako, e. Tsaka ganoon naman talaga? If it’s your time, it’s your time na talaga. So, live life to the fullest. Live life without regrets. Just do whatever makes you happy and live life purposeful. Naks!”

Mukhang nasulit naman ang ginawa ni Erich at bilang isa rin sa producers ng “We Will Not Die Tonight.” Nabawi na raw kasi ni Erich ang milyun-milyong piso na ipinuhunan niya sa movie.

“Of course, yes po. Ako perso-nally, I’m not after doon sa money kung mababalik ba or what? Nabalik na po siya. Nabili na siya, (TV rights)” sabi ni Erich.

Malaking tulong ang pagpapa-labas ng “WWNDT” sa New York Asian Film Festival kamakailan.

Marami raw ang nagkagusto sa pelikula at nabigyan ng good reviews. No wonder na pinag-agawan ang pelikula ng mga producers sa iba’t ibang bansa para ipalabas din sa kanila.

In fact, mismong ang sikat na ‘80s singer na si Cindi Lauper ay naglagay ng mensahe sa social media na nanghinayang siya na ‘di niya napanood ang “WWNDT” sa NYAFF.

Mapapanood na ang kauna-u-nahang action movie ni Erich sa mga SM cinemas, Robinson’s Galleria, Gateway starting Aug. 15 to 21.

Read more...