Limang beses kung mag-masturbate

Good morning po doc. Nagkaroon ako ng matinding sakit kapag umiihi po ako at pagkatapos merong buo na dugo na lumalabas. Sobrang sakit po, makati rin at may lumalabas na parang nana. Nagsimula po ito nung nag-asawa na ako. Doc ano po bang gagawin ko rito? Sana mabigyan mo ako ng kasagutan. Salamat po. — Annabelle, 21, Negros Occidental, …9086

Mayroon kang urinary tract infection (UTI). Magpa-urinalysis at urethral smear ka. Kailangan mo ng angkop na antibiotic kaya magpakonsulta.
Doc, ano po ba ang specific brand ng over the counter cream na may benzoykl peroxide, treatment sa acne na mabili sa botika? Kung hindi po n’yo masabi sa newspaper dahil parang nag advertise na po kayo ng produkto, -paki-text na lang sa personal number ko. Thank you po. — …6148
I-try mo ang panoxyl 4% cream.

Good day. Doc, tanong ko lang po kasi noong ipinanganak ko ang third baby ko ay after 10 days ay nag-work na po ako. Sabi po sa akin nabinat daw po kasi naulanan po ako. Ang nangyari po kasi masakit ang ulo ko na parang tumitibok then nahihilo ako tapos parang barado ang ilong ko. Masakit pa masyado mata ko at parang nasusuka. Gumagamit na po ako correctional glass at done series of blood chem fbs. OK naman po siya except sa cholesterol, pero pinaulit ko po. OK nman po sya malapit na po ito mag-isang taon na nararamdaman ko tapos masakit masyado balikat at likod ko. Please help doc. — Aileen, 33, Tacurong City, …3893

Posibleng sinusitis iyan, na kapag hindi naagapan ay nagdudulot ng mga sakit na siyang nararamdaman mo ngayon.

Good afternoon doc, tanng ko lang kung may side effect ba sa katawan kung always mag-masturbate. Limang beses kasi ako mag-masturbate o sobra pa kung mag-isa lang ako sa kwarto. Salamat po. –Griffinson, 24, Tacurong City, … 0931

Wala namang pisikal na side-effect ang masturbation. Ang nangyayari lang sa iyo ngayon ay ikaw ay sexually preoccupied. At ‘yun ay maaaring mag-resulta sa sexual addiction na posibleng magtulak sa iyo sa paggawa ng bagay na hindi mabuti.

Resulta po ng Xray na hindi pa nabasa ng doktor. PRIMARY CONSIDERATION IS PNEUMONIA. TO CONSIDER CONCOMMITANT PRIMARY KOCH’S INFECTION. Please Follow Up And Correlate Clinically. Ano po ang ibig sabihin ng sakit na ‘yan ng 13-years old na anak ko, doc Heal? Thanks and more power. — …8715

May impeksyon sa baga po ang anak ninyo. Maaring magkahalong tuberculosis at pulmonya. Kailangan gamutin agad lalo na kung may lagnat.

May nais ba kayong itanong o isangguni sa kanya? I-text ang inyong pangalan, edad, lugar at mensahe sa 0999858606.

 

Read more...