Kamay ni Liza natamaan ng espada sa taping ng Bagani: I guess emotions took over!
NA-INJURE pala si Liza Soberano sa isang eksena niya with Justine Cuyugan who plays Gaki sa Bagani.
Naka-bandage ang isang daliri ni Liza at napansin ito ng isang reporter.
“Kasi when we were doing the scene, I guess we were already feeling it. Medyo nagmamadali din kami kasi umuulan and we have to get the shot before it starts raining.
“We were able to practice the scene before we took it but in the middle of the scene but I guess the emotions took over. Natamaan ang kamay ko ng sword. It got fracture but it’s fine now,” esplika ni Liza who plays Ganda.
This week na ang finale week ng Bagani at masusubok ang paninindigan at ipinaglalaban ng mga Bagani sa patuloy nilang paglaban sa kasamaan para mailigtas ang Sansinukob mula sa pagkawasak.
Nanganganib na mabura ang lahat ng buhay sa Sansinukob kapag hindi napuksa ang halimaw na nananalaytay sa loob ng katawan ni Ganda. Patuloy namang naglalakbay si Ganda kasama si Lakas (Enrique Gil) para hanapin ang Puso ng Sinukuan, na nananatiling mailap kaya’t wala pa ring kasiguraduhan ang kinabukasan ng kanilang mundo.
Bagama’t nagkakaisa na ang buong Sansinukob laban kay Malaya (Kristine Hermosa), ang siyang nagtanim ng halimaw kay Ganda, nananalaytay pa rin ang takot at pangamba nila para sa kanilang kaligtasan bawat sandaling hindi nakukuha ni Ganda ang lunas ay lumalakas ang halimaw sa loob niya.
Magiging mabigat ang problemang ito para sa lahat dahil kapag lumala na ang sitwasyon, kailangan nilang mamili sa pagitan ng buhay ni Ganda at ng buong Sansinukob.
Kaya nga kayang isakripisyo nina Lakas, Lakam (Matteo Guidicelli), Dumakulem (Makisig Morales), at Liksi (Zaijian Jaranilla) ang buhay ng kapwa nila Bagani para sa i-kabubuti ng Sansinukob? Mahanap pa kaya nina Lakas at Ganda ang lunas bago maging huli ang lahat?
Nagkamit ng all-time high national TV rating na 36.2% noong Abril 17, ayon sa datos ng Kantar Media, ang Bagani.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.