NANANATILING nakataas sa ikatlong alarma ang Marikina City matapos umabot sa 20.6 metro ang Marikina River spilling level alas-9:58 Sabado ng gabi dulot ng matinding pagbuhos ng ulan.
Alas 5:15 p.m. nasa 18.3 metro ang taas ng tubig ng Marikina River dahilan para ipatupad ng lokal na pamahalaan ang ang force evacuation sa mga residente.
Sabado ng umaga nang mag-abiso ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ng red warning signal sa buong Kamaynilaan dahil sa matinding pag-ulan na magdadala ng pagbaha.
Itinaas ang Alarm level 2 sa Marikina River alas 2:22 ng hapon matapos umakyat sa 16.3 metro ang spilling level ng tubig sa nasabing ilog.
MOST READ
LATEST STORIES