Dennis: Ang sarap ipagyabang na kasama ko si Dingdong sa Cain at Abel!

KUMPIRMADO nang magsasama uli sa bonggang teleserye ang GMA Primetime King na si Dingdong Dantes at si Kapuso Drama King Dennis Trillo.

Inanunsyo na ng GMA ang pinakaaabangang pagsasanib-pwersa nina Dingdong at Dennis para sa upcoming drama series at TV adaptation ng Cain at Abel.

Ito na ang ikalawang pagkakataon na magsasama sa teleserye ang dalawang award-winning actor.

Una silang nagsama sa Pinoy remake ng Korean series na Endless Love kasama si Marian Rivera.

Very excited at looking forward na sina Dingdong at Dennis sa pagsisimula ng taping nila para sa Cain At Abel na ididirek nina Mark Reyes at Direk Don Michael Perez. Nag-story conference na ang production kamakailan kasama ang buong cast.

Ang nasabing serye ay remake ng pelikulang “Cain At Abel ” na ipinalabas noong dekada 80 na idinirek ni Lino Brocka at pinagbidahan nina Christopher de Leon at Phillip Salvador.

Sey ni Dennis, “Ngayon lang ulit kami nagkatrabaho (ni Dingdong). ‘Yung huli naming ginawang proyekto, mga 10 years ago na, Endless Love pa. Excited ako, at siyempre sobrang proud ako na makakasama ko ang Kapuso Primetime King.

“Ang saya ko lang na nagkaroon ako ng ganitong project, ang sarap ipagmayabang na ‘Ano next show mo? Kasama ko si Dingdong Dantes!'” ani Dennis, na kakauwi lang sa bansa galing sa Cambodia.

Sabi naman ni Dingdong, “Sa pagkakaalam ko kasi, ang konseptong ito ay matagal na sa GMA.

Puwedeng ibigay ‘to sa ibang artista in the past, and I think hinihintay talaga ang tamang panahon para kami ni Dennis ang gumanap. Masayang-masaya ako dahil matagal na ang huling pagsasama namin ni Dennis, and mas maganda ngayon dahil magkapatid kami.”

Makakasama rin dito sina Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Chanda Romero, Ronnie Henares, Carlo Gonzales, Boy 2 Quizon at marami pang iba.

Read more...