MAHIGIT P10 million daw ang budget na inilaan ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales sa pagpo-produce ng pelikulang “We Will Not Die Tonight” na kasali sa 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino sa direksyon ni Richard Somes.
Ayaw magdetalye ni Erich tungkol sa ginastos nila para mabuo ang pelikula basta ang dasal niya ay suportahan sana ito ng madlang pipol dahil bukod sa pera, literal na dugo’t pawis ang ipinuhunan nila rito.
“Bukod sa budget, after ng paggawa ng pelikula doon talaga magsisimula yung stress, eh. Kasi hindi naman po kami funded ng isang film outfit. Kami-kami lang po yung nag-struggle sa production, yung EG Films and then may iba pang tumulong sa amin,” simulang kuwento ni Erich sa presscon ng “We Will Not Die Tonight”.
“Nu’ng nag-usap po kami ni Direk, sinabi niya, ‘Oh, ganito yung kailangan natin Erich para mabuo itong pelikula, so okay, ganyan.’ Basta milyon po siya, nabawasan yung savings. Pero worth it talaga, ibang klaseng fulfillment pag napanood mo yung pelikula. Nakaka-proud lang talaga,” sey pa niya.
Ayon kay Erich, worth it naman ang first experience niya sa pagpo-produce. Sa katunayan, mas lalo pa siyang na-inspire na makagawa pa ng mas marami pang de-kalidad na pelikula.
“After po siguro nito, pag nagkaroon na ng time, balak ko ring mag-aral ng Film abroad and siguro mag-start na ring magsulat ng story or yung concept. So, slowly, we’ll get there po,” sey pa ng dalaga.
Alam din Erich na posibleng hindi kumita ang investment niya sa pagpo-produce, “Yes po. Ako, personally, I’m not after naman sa money kung mababalik or what. Pero nabalik na po siya, nabalik na siya. Nabili na siya, na-acquire na siya, yung TV rights,” masayang kuwento ng aktres.
Hirit pa ni Erich, “Pero ginawa talaga namin ito ni Direk hindi naman para kumita, kasi nung time na yon sabi ko talaga gusto kong makagawa ng isang pelikula na hindi ko pa nagagawa ever before. Gusto kong mahirapan, gusto kong ma-experience yung kakaiba, so eto na yon, dumating yung We Will Not Die Tonight.”
Samantala, bilib na bilib si Direk Richard Somes sa dedikasyon at effort na ibinigay ni Erich sa “We Will Not Die Tonigh” bilang producer, bukod sa mga buwis-buhay na mga eksenang ipinagawa niya sa aktres.
“What’s exciting about Erich as an entrepreneur and as a businesswoman, pikit-mata na siya kaagad. After five days when she saw the trailer, sabi niya, ‘This is the last money I have, let’s do it,’” pahayag ng direktor.
Pero totoo bang umabot ng P10 million ang naibigay ni Erich bilang co-producer? “Secret na yon. So, we just hope na it could generate a wider audience,” natatawang sagot ni Direk Richard.
“Honestly, bilib talaga ako kay Erich. Ibang klase siya. May mga scenes si Erich na talagang alam mo na pagod na siya but kailangang gawin at gagawin naman niya ng walang reklamo. Sa pagiging ganu’n ka-devoted ni Erich sa project, gusto niya na siya lahat yun gumawa ng mga eksena niya,” chika pa ng direktor.
Apat na beses daw nalagay sa peligro ang buhay ni Erich habang sinu-shoot nila ang pelikula, “She almost risked her life four times. Number one, noong natanggal siya sa live na barb wire kasi she needs to cross the ceiling at kailangan niyang talunin yung barb wire. So nu’ng tinalon niya hindi na siya makabitaw sa tubo kasi pag bumitaw siya mapupugutan siya ng
ulo.
“So, lahat kami hinawakan yung paa niya para hindi siya ma-push at ma-steady siya para maputol yung wire. Sabi ko, ‘tama na ‘to, tama na ‘to.’ Pero ginawa pa niya ulit.
“Yung pangalawa medyo major, kasi hindi namin ma-trace kung saan yung issue nu’ng nakuryente talaga siya sa elevator. Dahil sa lakas talaga ng kuryente kaya tumilapon siya.
“So, sabi ko, scratch na natin itong scene kasi it’s too dangerous, pero nagalit siya sa akin. ‘Bakit tinanggal mo? Gawin natin ngayon ito.’ So ginawa rin namin yon nu’ng last day,” pagpapatuloy pa ni Direk.
Kaya kung gusto n’yo ring masaksihan ang lahat ng buwis-buhay na eksena ni Erich sa “We Will Not Die Tonight”, showing na ito simula sa Aug. 15 bilang bahagi ng 2018 Pista Ng Pelikulang Pilipino. Kasama rin dito sina Thou Reyes, Alex Medina, Sarah Abad at marami pang iba.