Pangdadakma ng dating sexy star ikinonek sa ‘hipo’ comment ni Tito

TITO SOTTO

MAY tinatawag na gender equality.

Over the week ay binatikos nang todo-todo si House Speaker Tito Sotto sa pagtalakay sa Safe Spaces Law sa Senado particularly his stand on “panghihipo” na aniya’y wala naman daw masama kung biro lang.

“For example, ‘yung sinabi ko na binibiro lang, hinipuan na ganun, will they be liable? You (Sen. Risa Hontiveros) said yes, the answer I think is no,” ang pahayag ni Sen. Sotto.

Na sinagot naman ni Hontiveros ng, “Ang babaeng hinipuan ng lalake, hindi po namin yun tinatanaw na biro because that truly makes women feel unsafe.”

Women or those who uphold women’s rights ang unang-unang umalma sa pahayag na ‘yon ni Sotto.

Huwag sanang ma-misinterpret ng mga women readers ang aming topic. Una sa lahat, we’re no misogynist.

Bigla lang kasing gumuhit sa aming alaala—without necessarily pressing our memory button—ang isang kuwento tungkol sa dating sexy actress na nakaugalian nang manghipo ng ari ng mga lalaki.

In fairness though to her, hindi naman niya ‘yon ginagawa to every Tom, Dick or Harry. Pero malinaw, it’s the dick that she’s fond of grabbing.

Once ay nakaharap niya ang matanda nang ama ng kanyang balaeng hilaw. Kilalang matinik sa mga babae ang matanda na para sa amin ay ‘di hamak na mas guwapo kesa sa kanyang singkiting anak.

Family affair ‘yon ng angkan na dinaluhan ng sexy actress, na nang makalapit sa matanda ay sinabihan niya ito ng, “Tumitigas pa ba ‘yan?” sabay padaplis na dinakma ang ari nito.

Napangiti na lang ang matanda. Thought balloon marahil nito, “Subukan mo kaya?”

Minsan na kaming naging saksi sa panghihipo ng sexy actress na ‘yon. Pabiro rin ang tagpong ‘yon kung saan katabi niya ang kanyang karelasyon pa noon.

Hungkag sa artista looks ang dyowa ng aktres, pero bumabawi naman ito sa laman ng kanyang utak palibhasa’y sa isang kilalang kumpanya ito dating nagtatrabaho.

Pasigaw na paanyaya ng sexy actress sa mga kalat na kalat na baklang katrabaho sa paligid, “Oy, mga bakla, parine kayo!” Nasa tabi niya ng mga sandaling ‘yon ang kanyang dyowa na sinisimulan na niyang hipuan ang ari na namumukol sa suot-suot nitong maong jeans.

Naintriga ang mga tinawag na bakla, mistulang colony of ants na hile-hilerang patungo sa kanilang lungga.

Maya-maya, napapalibutan na ang magdyowa ng sanrekwang bayot na nakapako ang tingin sa hinaharap ng boylet, nakaabang kung mag-e-expand ito.

Totoo ka, Kapatid na Ervin, unti-unti ngang lumalaki si JunJun!

“O, naloka kayo, ‘no?” humahagikhik na tanong ng sexy actress sa mga bayot na nag-thought balloon ng, “Tama nga pala ‘yung sinasabi ng hitad…daks si papey!”

Going back to Sotto, cute at hindi masasabing malaswa ang ginawa ng lola. Baka ito ang halimbawang angkop sa sinabi niyang there’s nothing wrong with the act if done in jest.

Gayunpaman, we still live in a matriarchal society. Iginagalang ang mga kababaihan despite the fact na bahagi na lang ng nakaraan si Maria Clara.

Ang manghipo ng babae—sa ganang amin—whether in jest or otherwise—is still a violation of her right.
Ang pahayag o stand ni Sotto is something which is least expected of him lalo’t iniluklok pa naman siya bilang Speaker.

Okey lang basta biro, ‘ika niya. Hanggang sa pagiging Speaker ba naman ay bitbit pa rin ni Sotto ang komedyang nagpasikat sa kanya?
Let me puke!

Read more...