Nagsasagawa umano ang suspek na si Nestor Astoviza Altesola, 60, “healing” session sa biktima nang hinila niya ito papasok ng isang silid at ginahasa, ayon sa ulat.
Matapos umano ang panggagahasa, iniulat ng biktima ang insidente sa Barangay Bignay, na siyang tumawag ng pulis at inaresto ang suspek.
Tumanggi namang magsalita si Altesola sa isinagawang imbestigasyon.
Nanatili siyang nakakulong sa Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang pagsasampa ng kaso.
MOST READ
LATEST STORIES