DOJ sinabing may probable cause para kasuhan si Peter Lim sa droga

SINABI ng Department of Justice (DOJ) na nakakita ito ng probable cause para kasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang negosyante mula sa Cebu na si Peter Lim.

Sa isang resolusyon na isinapubliko ngayong araw, sinabi ng DOJ na ginamit bilang basehan ang naging testimonya sa Senado ng self-confessed drug distributor na si Kerwin Espinosa kung saan itinuro niya si Lim bilang isa sa mga supplier ng shabu.

“The [DOJ] panel find that the admission of respondent Espinosa during the legislative investigation of the Senate Committees on Justice and Public Order, together with Marcelo Adorco’s positive identification of Peter Go Lim as one of Kerwin’s suppliers of dangerous drugs, is sufficient to establish probable cause to charge them with conspiracy to commit illegal drug trading,” sabi ng DOJ.

Binubuo ang panel nina Senior Assistant State Prosecutors Juan Pedro Navera, Anna Noreen T. Devanadera at Prosecution Attorney Herbert Calvin P. Abugan.

“Conspiracy to commit illegal drug trading, as the case that will be filed against Lim is a distinct offense under the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 and that the agreement to trade in drugs is the gravamen of the offense,” sabi sa resolusyon.

Matatandaang ibinasura ng DOJ ang kaso laban kay Lim, bagamat ipinag-utos ang bagong imbestigasyon matapos namang ang mga batikos.

 

Read more...