MRT3 nagkaaberya; 1K pasahero pinababa

NAGKAABERYA ang Metro Rail Transit 3 matapos magkaroon ng electrical failure ang makina nito, dahilan para pababain ang tinatayang 1,050 pasahero kagabi.

Ayon sa Department of Transportation-MRT advisory, nasira ang tren alas-9:41 ng gabi. Pinababa ang mga pasahero sa northbound ng Buendia station.

Sumakay ang mga pasahero sa sumunod na tren na dumating makalipas ang siyam na minuto.

Posible umanong ang sanhi ng electrical failure ay ang kalumaan ng mga bahagi nito.

 

Read more...