Bagong biling bahay ni KRIS may problema sa tax kaya ayaw nang lumipat; takot makasuhan ng BIR

NAUNSIYAMI ang paglipat sa bagong bahay ng Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang dalawang anak na sina Josh at Bimby dahil sa problema sa real estate tax.

Sa ginanap na press interview ni Kris para sa Kris RealiTV second anniversary para sa Singapore Tourism Board ay masaya niyang ibinalita na nakakita na siya ng bahay na umayon sa gusto nilang mag-iina sa Ayala, Alabang.

Nabanggit pa nga na ipakikita raw ito ng TV host sa Kris TV lalo na ang kusina niya dahil doon daw gagawin ang mga cooking session nila ng kanyang mga guests.

Supposedly ay ngayong July 16 (Martes) ang lipat ng mag-iinang Kris, Josh at Bimby (ayon sa feng shui swerte raw kay Kris ang date na ito bukod pa sa pagdadala raw ng dayap sa loob ng bahay).

Kaya’t inalam namin kung bakit hindi natuloy ang pagbili ng TV host sa nasabing bahay, “Yung bahay, may problema sa real estate tax. Ayaw ni Kris ng under-assess. Honest taxpayer si Kris,” sabi ng aming source.

‘Yun na! E, knowing Kris ay ayaw niya ng may daya-daya sa mga papeles lalo na’t tax ang pinag-uusapan, e, hindi nga ba bossing Ervin, hanggang sa huling sentimo ng kita niya ay naka-declare sa BIR?

Read more...