Sue Ramirez malandi raw dahil nagsuot ng bikini: Please, stop sexualizing my body

BUKOD sa “lesbian” issue na ibinabato sa kanya ng mga haters sa social media, may mga tumatawag din sa Kapamilya young actress na si Sue Ramirez ng “malandi” at “flirt”.

Sa panayam namin sa dalaga sa episode ng “#ShowbizLive” sa 990 Inquirer TV/Radio last Wednesday night muling ipinagdiinan ni Sue na hindi siya tibo, sa katunayan meron daw siyang lovelife at super happy siya ngayon.

At bukod nga sa isyu ng katomboyan, marami ang nam-bash kay Sue nang mag-post siya ng kanyang bikini photo sa Instagram. In fairness, marami naman ang nag-like at nag-post ng positive comments sa kanyang IG photo pero meron ding mga nanlait at nam-bash sa kanya.

“Nag-swimming kasi ako, so nag-two-piece. At ang daming nag-like, at na-appreciate nila yung pagpipigil ng kain ko sa L.A. I don’t really think it’s a big deal.

“I don’t really sexualize my body at all, wala po akong malisyang klase ng tao. It’s just that everybody has a body. Tapos may nagsabi na malandi raw ako kasi naka-two-piece ako.

Wow! Okay, sige. Thanks po,” ang chika ni Sue sa ginanap na presscon ng pelikula niyang “Ang Babaeng Allergic Sa WiFi,” na isa sa mga kalahok sa 2018 Pista ng Pelikulang Pilipino.

Paliwanag pa ng dalaga, “Siguro yung mga pag-o-objectify ng mga tao, wala, e. Wala na tayong magagawa. Palalampasin na lang natin. We could hope for the better na sana they could find the positivity inside themselves para mas may magandang sabihin or mas magandang pagtuunan ng pansin.”

Hangga’t maaari ay pinipigilan ni Sue ang sarili na pumatol sa bashers lalo na ‘yung mga “mema” lang o may masabi lang, “Sinasabi ko lang na please stop sexualizing my body. Stay positive na lang sa mga tao na nagko-comment.’”

Samantala, ipinagmalaki naman ni Sue ang entry nila sa 2nd PPP na “Ang Babaeng Allergic Sa WiFi” sa direksyon ni Jun Lana under IdeaFirst Company na mapapanood na sa Aug. 15 hanggang 21 sa mga sinehan nationwide.

Sinisiguro ng Kapamilya actress na lahat ay makaka-relate sa kuwento ng kanilang movie, lalo na ang mga kabataan na sobrang adik sa wifi at internet.

“Actually, sobrang surreal yung feeling. Until now hindi pa rin ako makapaniwala na sa akin ibinigay nina Direk Jun ang projects na ito. Wala po akong ibang nararamdaman kundi pagiging grateful lang saka thankful sa mga challenges na naibibigay sa akin.

“Siyempre, sa dami-dami ng mga mahuhusay na artista napakasuwerte ko po talaga na nabigyan ako ng mga ganitong kakaibang proyekto” aniya.

Dugtong pa ng dalaga, “I would say it’s a very wonderful movie. Ang daming emotions, it would bring out ‘yung youth side mo at ipapaalala sa iyo noong wala pang technology, wala pang cellphones, refreshing siya.

“Mararamdaman nila uli yung simpleng buhay, yung wala pang fake news, walang bashers, tapos kasama mo lag ‘yung mga taong nagmamahal talaga sa iyo,” chika pa ni Sue na gumaganap bilang si Norma.

Dagdag pa ni Sue, siguradong mai-in love rin daw ang manonood sa leading man niya sa movie na si Jameson Blake dahil sa karakter nito bilang si Aries. Makakasama rin sa “Ang Babaeng Allergic Sa WiFi” sina Markus Patterson, Boots Anson-Roa, Yayo Aguila, Kiko Matos at Lee O’Brian. Showing na ito sa Aug. 15 nationwide bilang bahagi ng 2nd PPP.

Read more...