Sinabi ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakatakda nitong imbestigahan ang ulat na umihi sa isang puno ng balete ang ilan sa mga minura at pinagbantaang papatayin ni Duterte.
“We will initiate investigation on this matter,” sabi ni NCRPO Director Chief Supt. Guillermo Eleazar.
Idinagdag ni Eleazar, 87 sa 102 pulis na kinastigo ni Duterte sa kanilang pagkakasangkot sa mga krimen, kabilang na kidnapping at iligal na droga, mula sa Metro Manila.
“We will ask the officers who were there para malaman namin kung sino ‘yung mga nandon,” ayon pa kay Eleazar.
Kinondena rin ni Eleazar ang pinakahuling kontrobersiya laban sa kapulisan.
“Meron talagang mga bugok sa aming hanay na hindi namin tino-tolerate,” ayon pa kay Eleazar.