KC tinukso-tukso ni Mega sa bagong manliligaw

TINUKSO ni Sharon Cuneta ang anak na si KC Concepcion tungkol sa “blooming lovelife” nito.

Nag-post kasi si KC sa Instagram ng litrato ng isang bungkos na red roses na natanggap niya mula sa mystery sender. Nagulat ang dalaga nang makita ang mga bulaklak sa loob ng kanyang hotel room sa Los Angeles, California.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Coming home to this surprise delivery (sent to my hotel room) just made me meditate on this Bible verse, which talks about how THERE IS A TIME FOR EVERYTHING.”

Nag-comment naman si Sharon sa IG post ni KC, anito, “Uhmmm…Am I allowed to…jump up and down?! But you made me love all of them!!! Hahaha!”

Balitang isang non-showbiz guy (na foreigner) ang bagong lalaki sa buhay ni KC. Sa isang interview sa aktres, sinabi nitong mahal ng family niya ang guy. Ang huling boyfriend niya ay ang athlete-model na si Aly Borromeo.

Read more...