JAMES YAP sariwang-sariwa, hiyang sa Italian girlfriend

KRIS Aquino can’t seem to stomach the presence of media during the hearing of her case against ex-husband James Yap.
Parang nagulat pa si Kris when she saw a plethora of reporters sa labas ng Makati City Regional Trial Court last Monday. She was overheard to have said, “Excited talaga silang magpa-presscon, ‘no?”

Obviously, she was referring to James’ camp. Of course, nakarating na agad sa social media ang comment ni Tetay and not a few were disappointed over it. “Sino kaya ang matakaw sa presscon???” tili ng isang against kay Kris.

“Bitter k talaga kristeta,” sabi naman na isa. “Hahahaha! bal**w talaga ang babaeng ito. nakalimutan nya yata kng sino ang hayok! lahat nya na presscons movies, commercials etc etc pulutan si james! pls kris tumigil ka na!” mataray namang comment ng isa pa.

Ano ba itong si Kris, parang hindi nag-iisip. Talagang dudumugin ng media ang hearing nila because they happen to be one of the most controversial ex-couples.

Kahit hindi magpatawag ng media ang kampo ni Kris ay talagang dadagsain sila ng mga mamamahayag na gustong malaman ang mga kaganapan sa buhay nila especially James na may bago nang girlfriend.

Actually, bitter pa nga si Kris lalo pa’t meron nang ipinalit sa kanya si James.  More than Kris, siyempre mas gustong malaman ng media na nag-cover ang latest sa lovelife ni James.

Nakita namin ang photo ni James before the hearing started at fresh na fresh ang kanyang aura. Nakatulong ang three weeks niyang vacation sa Europe with his new girlfriend. Also, he looks happy and stress-free.

Going back to Kris’ statement, parang hindi siya lumaki sa harap ng media. And what proof does she have to say na excited magpa-presscon ang kampo ni James?

Actually, si James ay mukhang walang publicist, hindi tulad ni Kris, maraming paid tagapagtanggol. Anyway, may mga nagtanggol naman kay Kris, ayon sa isang Kris fan, kung kayo raw ang lumagay sa katayuan ni Kris na niloko at pinaglaruan, ano ang mararamdaman n’yo? Napakadali naman daw kasing manghusga, pero kapag sila naman ang hinusgahan ay galit na galit!

Read more...