Piolo payag makatrabaho uli si KC: Napakaliit ng mundo!

PIOLO PASCUAL AT KC CONCEPCION

PAYAG si Piolo Pascual na makatrabaho uli ang kanyang ex-girlfriend na si KC Concepcion.

Sa farewell/thanksgiving presscon ng seryeng Since I Found You, sinabi ng aktor na napakaliit lang ng showbiz industry at talagang darating din ang pagkakataon na magkakasama sila uli ni
KC.

“Napakaliit ng mundo. Okay naman. Siyempre naman. Wala naman tayo dapat na kaaway at wala naman tayo dapat nililimita sa sarili natin. Okay lang, oo naman. That would be good. That would be nice,” ang pahayag ni Piolo nang makapanayam ng members ng entertainment press kahapon.

Nauna nang sinabi ni KC na bukas din siya sa posibilidad na makasama uli sa isang proyekto ang kanyang dating boyfriend.

Samantala, magkahalong saya at lungkot naman ang nararamdaman ni Piolo sa nalalapit na pagtatapos ng Since I Found You. Una na raw niyang mami-miss ang kanyang mga kasamahan sa teleserye, lalo na ang kakulitan ng mga leading lady nilang sina Arci Muñoz ay Alessandra de Rossi.

“Sobrang happy kasi lagi sa set namin. Sobra kaming close especially off-cam, si Alessandra, dahil pamuno siya sa energy sa set, nagna-knock knock jokes kami, nandu’n din si Empoy (Marquez), pati yung mga cameramen at audio. We play jokes on each other and talagang ganu’n siya ka-light,” kuwento pa ni Piolo.

Pagkatapos daw ng Since I Found You, maghahanda na si Piolo sa next movie niya about Marawi siege kasama si Robin Padilla. Magkakaroon daw sila ng immersion sa Marawi City kung saan kukunan ang halos kabuuan ng pelikula.

Read more...