‘The Boobay and Tekla Show’ balik sa GMA Online

PATULOY ang kasiyahan sa all-new season ng The Boobay And Tekla Show ng GMA Online Exclusives.

Pagkatapos ng matagumpay na first season, nagbabalik muli ang Kapuso comedic duo na sina Boobay at Tekla para sa second season ng The Boobay and Tekla Show handog ng GMA Online Exclusives na nagsimula na last Aug. 7.

Ang digital comedy program ay nakakuha ng higit sa isang milyong views at mayroong libu-libong loyal online fans na humihiling pa ng mas maraming episodes mula sa dalawa.

Sa second season, ihanda ang mga sarili para sa mas masasaya at nakakatawang episodes na siguradong patok sa buong pamilya.

Join the fun at ‘wag magpapahuli sa masasayang episodes ng The Boobay and Tekla Show, tuwing Martes at Huwebes, 5 p.m. sa GMANetwork.com at sa YouTube channel ng GMA Network (www.youtube.com/gmanetwork).

Read more...