Grand Fans Day & All-Star Caravan ng 2018 PPP sa QC hahataw na sa Aug. 11

MAS bongga this year ang Pista Ng Pelikulang Pilipino dahil sa mga bagong pasabog ng Film Development Council of the Philippines sa pangunguna ni Chairperson Liza Dino.

Bago magsimula ang Pista sa Aug. 15 at bago mapanood ng madlang pipol ang mga pelikulang kalahok ngayong taon, magkakaroon muna ng Grand Fans Day na inorganisa ng FDCP sa pakikipagtulungan ng Quezon City Government.

Tinawag na “Pista At The Park Grand Fans Day & All-Star Caravan,” magaganap ito sa Agosto 11 sa Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle.

Sa imbitasyon ng FDCP, ang Quezon City ang magiging host ng iba’t ibang selebrasyon at aktibidad ng PPP ngayong taon sa pamumuno ni Vice Mayor Joy Belmonte.

“Since the city has already shown it’s commitment to helping local filmmakers through the QCinema International Film Festival, FDCP wanted to partner with us to further promote PPP.

“Although PPP will be rolled out nationwide, the conferences, seminars, float parade and Grand Fans Day will be held here in the ‘City of Stars’,” ani Vice Mayor Belmonte.

Ang Grand Fans Day ay sisimulan ng isang float parade mula Amoranto papuntang Timog Area, tatawid ng Maginhawa hanggang sa QMC. Magkakaroon din ng meet and greet sa mga artista na bibida sa walong pelikulang kasama sa Pista.

Bukod dito ay magkakaroon din ng mga palarong Pinoy, cultural presentations at food bazaar. Libre naman ang Pista at the Park para sa kung sino ang gustong pumunta.

Magaganap naman sa Agosto 14 ang Opening Night ng PPP sa Quezon City pa rin at sa Agosto 17 at 18 gaganapin ang Film Industry Conference na idaraos sa Novotel Araneta Center.

Nagpasalamat si FDCP Chairperson Liza sa QC government dahil sa suportang ibinigay sa PPP at sa industriya mg pelikulang Pilipino.

Ang walong pelikulang tampok sa 2018 PPP ay ang mga sumusunod: “Ang Babaeng Allergic Sa Wifi” sa direksyon ni Jun Lana; “Bakwit Boys” ni Jason Paul Laxamana; “Madilim Ang Gabi” ni Adolfo Alix Jr.; “Pinay Beauty” ni Jay Abello; “Signal Rock” ni Chito Roño; “The Day After Valentine’s” ni Jason Paul Laxamana; “Unli Life” ni Mike Livelo; at ang “We Will Not Die Tonight” sa direksyon ni Richard Somes.

Ang PPP ay isang nationwide filmfest na magsisimula na sa Agosto 15 hanggang Agosto 21.

Read more...