Jo Berry nagpakitang-gilas agad sa Onanay ng GMA 7

JO BERRY AT CHERIE GIL

NAGSIMULA na last Monday ang pinakabagong Telebabad offering ng GMA na Onanay na pinagbibidahan ng dalawang Kapuso youngstars na sina Mikee Quintos at Kate Valdez with the newest Kapuso actress na si Jo Berry.

All-star cast agad ang pinambungad ng Onanay sa mga viewers dahil kabilang din sa serye ang dalawa sa pinakamahusay na aktres sa bansa – sina Superstar Nora Aunor at ang primera kontrabidang si Cherie Gil.

Para sa fans, siguradong kaabang-abang ang mga eksena sa primetime soap na ito dahil sa pampamilyang kuwento nito. Pero ang mas kinagiliwan ng lahat sa unang episode pa lang ng Onanay ay ang nakakagulat na akting ni Jo na napakanatural.

Excited na ang Kapuso sa mga susunod na tagpo sa Onanay lalo na kapag inapi-api na ni Cherie si Jo at umapir na sa eksena sina Mikee at Kate na siguradong magpapatalbugan din sa pag-arte.

Read more...