Hashtag Ryle kakabugin ang abs at muscles ni Aljur

PROMISE ni Hashtag Ryle Santiago kakabugin niya ang abs at muscles ni Aljur Abrenica. Na-inspire siya na pag-igihan ang pagpapaganda ng kanyang katawan matapos mapanood ang kanyang “shower” scene sa trailer ng movie niyang “Bakwit Boys”.

Naghiyawan ang ilang miyembro ng media sa press launch ng ikalawang Pista Ng Pelikulang Pilipino sa topless scene ni Ryle habang naliligo sa tabi ng drum together with his co-stars sa movie.

“Si Kuya Aljur po ang isa sa mga tumutulong sa akin para maging fit. Mino-motivate rin niya ako, and minsan, sabay din kaming mag-workout,” lahad ng binata.

Baka raw ma-threaten sa kanya si Aljur kapag pinag-topless din siya sa afternoon teleserye nilang Asintado starring Julia Montes.

“Meron na akong abs. Hintay-hintay lang. Baka sa follow-up movie ko sa October pwede na,” balita pa sa amin ni Ryle.

Pangatlo sa magkakapatid ang role ni Ryle sa “Bakwit Boys” na idinirek ni Jason Paul Laxamana produced by Rex Tiri’s film production T-Rex Entertainment.

“Ako ‘yung gitarista. Ako ‘yung kating-kati na maging artista. Gustong sumikat. Sa movie mahirap kami. Nasalanta ng bagyo. Tapos, sobrang walang-wala kami. Nu’ng nag-move kami sa Pampanga, pinursige namin ‘yung music namin,” kwento ni Ryle about their film.

Handpicked si Ryle for his role, una dahil sa buhok niya. Bagay daw kasi ang look niya sa role niya na dekada ’90 ang setting. Nagamit din niya sa pelikula ang husay niya sa pagtugtog ng gitara. Kaya talagang very memorable ang “Bakwit Boys” for him bilang first film niya.

Any time this month, magsisimula na ring mag-shooting si Ryle for his second film, ang “Billie And Emma” under T-Rex Entertainment again. Leading man na ang role niya rito at makakatrabaho pa niya ang Kapuso star na si Gabbi Garcia.

Ipalalabas ang “Bakwit Boys” kasabay ng iba pang entry sa 2018 PPP sa mga sinehan nationwide simula sa Aug. 15 hanggang 21.

Read more...