MOCHA Something plus her sidekick Drew Something unwittingly made a mockery of themselves sa show nilang labis na pinagtawanan sa social media.
Nakakaloka kasi ang sense of entertainment nila lalo na ’yung song ni Drew about federalism which leaves a very bad taste in the mouth. The line goes like this: “Ipepe, ipepe. Idede, idede. Ipede, pede, pede, pederalismo!”
It was very cheap of intergalactic proportion. Panoorin ninyo para malaman ninyo kung ano ang sinasabi namin.
“Anong kalokohan na naman yang i-pepe-i-dede-i-pe-de-ra-lis-mo, @MochaUson? PCOO is self-destructing AGAIN. #FireMocha.”
“Ipepe. Idede. This is all you got, @MochaUson?! You probably find it hard to let go of your past job but please draw the line when it’s already the entire nation that’s affected by your idiocy, incompetence, and vacuous strategy. Educate yourself. #FireMocha.”
“Talaga bang 120k sweldo nito? Kahit singko di ko babayaran yung ganitong idea. With all the resources at their disposal, this is what they came up with? Ang kadiri.”
That was the reactions of the netizens.
Drew took offense sa bash na inabot niya kaya naman in a Facebook video as reported by a network website, he said, “Kayo ang makukuwan ang mga pag-iisip. Ang dudumi ng mga pag-iisip ninyo. Ang dami-daming mga trivia doon sa video, ang dami-daming magagandang nasabi about sa pederalismo. Pero bakit ‘yan lang ang inyong napansin.”
“Parang may sinabi na, ‘diyan lang ba napunta yung P90 million?’ Hindi pa nga nabibigay ‘yung budget di ba? Hoy para sabihin ko sa inyo. Hindi ako nababayaran dahil mayaman ako,” dagdag niya.
Mayaman? Saan banda? Sa Forbes Park ka ba nakatira o sa Dasma?
One thing more, what you did in the video do not show any trace of yaman, ha. It has cheapened you in the lowest possible way!!!