PERO may nagmungkahi ring isama na rin niyang lektyuran ang mga mag-aaral sa UP College of Law kung saan ang magsisilbing culminating part ay ang Q & A portion.
SI PCOO ASec Mocha Uson ang naatasang maglektyur tungkol sa federalism na isinusulong ng Duterte administration.
As we go to press ay nakatakda pa lang ang pagharap ni Mocha sa Senado upang ipaliwanag lalung-lalo na ang mga benepisyong idudulot ng proposed form of government. Wala itong iniwan sa mga kinatawan ng Department of Finance na kumumbinsi sa mga senador tungkol sa advantage ng pagpapatupad ng TRAIN Law 2.
Malaking hamon kay Mocha ang pagsipot niya sa Senado, kailangan lang niyang paghandaan ang kanyang mga tugon sa mga tanong ng mga mambabatas.
Daig pa kasi ng thesis defense o dissertation ang pro-sesong pagdadaanan niya.
Pero may nagmungkahi ring isama na rin niyang lektyuran ang mga mag-aaral sa UP College of Law kung saan ang magsisilbing culminating part ay ang Q & A portion.
Grace under pressure ang inaasahang stance ni Mocha mula sa mga estudyanteng halos lahat—kundi man lahat—ay mga kilalang aktibista.
Aaminin naming duda kami if Mocha will be able to pull it off.
Ever since hayagan ang aming kawalan ng bilib kay Mocha. Unfair to her as it may be, we believe that this is a shared perception, a common observation ng kanyang mga kahinaan in terms of presenting her argument.
Pero sige, let’s give Mocha the benefit of the doubt, more than the doubt.
Pero ang magsisilbing lecturer has to be lectured first. Hindi lang tungkol sa nitty-gritty ng paksang ipaliliwanag niya’t ipagduduldulan sa tungki ng ilong ng mga mamamayan, kundi tungkol sa oral communication skills.
Sa rami ng kanyang ‘di na mabilang na gaffes, let her expected lapses not complete her self-authored book of boo-boos.
Matindi ang subject that she’s assigned to discuss. Bago sa pandinig ni Aling Tacing ang salitang federa-lism sampu ng madlang pipol who should be made to understand its importance to warrant urgent implementation.
Ang worry namin, baka sa halip na maunawaan ng kanyang mga tagapakinig ang tunay na diwa ng pederalismo ay magkamot lang sila ng ulo, hindi dahil napisa na ang itlog ng mga kuto sa kanilang anit kundi lalo lang silang naguluhan.
On Mocha’s hands (and mouth) hinges full understanding of the new form of government.
q q q
Nagsalita na ang dalawang ratings survey groups—through numerical data—tungkol sa magkatapat na programa nina Coco Martin (sa ABS-CBN) at Alden Richards (sa GMA).
Kapwa nila inilabas ang nairehistrong ratings ng dalawang programa kung saan milya-milya ang agwat ng kay Coco kumpara ng kay Alden.
Karaniwang mataas ang pilot episode ng isang pinaingay na programa. Naroon kasi ang element of curiosity ng viewers. The next airing day is a different story.
Walang dudang fabulosa ang kay Alden. Publicity-wise, malayo pa man sa airing date ay bugbog-sarado na ito.
Production-wise ay wala ka ring itulak-kabigin. Mistula ngang wala nang naiwang pondo sa treasury ng network dahil naibuhos nang lahat—up to the last centavo—‘yon sa proyektong ‘yon.
Pero salag ni Alden, he’s not out to compete but to dish out an entertaining, no-nonsense show. Of course, we know there’s half-truth to it pero pagbigyan na natin siya.
After all, sa rationalization na isa sa mga uri ng defense mec-hanism ay nahahati ito sa dalawang prutas: sweet lemon at sour grape.