After 1 year, honeymoon nina Anne at Erwan tuloy na: Go kami sa South Africa! | Bandera

After 1 year, honeymoon nina Anne at Erwan tuloy na: Go kami sa South Africa!

|August 06,2018
facebook
share this

After 1 year, honeymoon nina Anne at Erwan tuloy na: Go kami sa South Africa!

- August 06, 2018 - 12:01 AM

ANNE CURTIS AT ERWAN HEUSSAFF

ISANG taon matapos silang magpakasal sa Queenstown, New Zealand, sa wakas matutuloy na rin ang honeymoon ng mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff.

Ito ang ibinalita ng TV host-actress sa mediacon ng kanyang major concert na “AnneKulit: Promise Last Na ‘To” na magaganap sa Aug. 18 sa Araneta Co-liseum. Sa November sila aalis papuntang South Africa para isabay na rin sa celebration ng kanilang first wedding anniversary.

Inamin ni Anne na talagang naging super busy siya sa kanyang career this year kaya hindi na sila nakapag-honeymoon ng asawa.

“Actually this year has been very crazy, yung schedule ko for BuyBust, Aurora, itong concert, then Showtime. Actually ka-text ko siya kanina and he’s saying, ‘When will I get to have dinner with you? Just the two of us?’ Then sabi ko, ‘Soon,'” ang pahayag ni Anne sa harap ng entertainment press.

Kaya nga after ng concert niya, maghahanda na silang mag-asawa sa kanilang long vacation, “After this concert, I think mas kokonti na ‘yung schedule ko. It will be more on Showtime na lang muna ang hihingin ko. And then, of course, we’re going on our honeymoon in November.

“‘Yun talaga, may time naman ako for him. We’re going to South Africa. We’re very excited because it will be a long leave kasi one year ‘di ba bago mag-honeymoon? Pinagbigyan niya ako du’n, so I’ll give this to him naman,” hirit pa ni Anne.

Samantala, promise ni Anne sa kanyang fans and supporters na last na talaga ang “AnneKulit” concert niya sa Araneta this coming Aug. 18, handa na raw siyang i-give up ang kanyang singing career at magpo-focus na lang sa acting and hosting. Ito na rin daw ang magsisilbing selebrasyon para sa 21st anniversary niya sa showbiz.

Ayon kay Anne, tinatanaw niyang mala-king utang na loob sa lahat ng mga taong patuloy na nagtitiwala at sumusuporta sa kanya ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon at sa kanyang “AnneKulit” concert nga raw ipakikita ang naging journey niya sa loob ng 21 years.

Pasabog kung pasabog daw ang lahat ng gagawin niya sa concert, li-teral daw niyang iikutin ang Araneta para paligayahin ang mga manonood. Sey pa ni Anne bukod sa nag-voice lesson siya bonggang-bongga rin daw ang mga gowns and outfits na isusuot niya, baka nga raw mas mahal pa ang mga ito sa mismong cost ng concert niya.

Ngayon pa lang ay pinaghahandaan na niya ang pakikipag-showdown sa kanyang mga special guests, tulad ni Sarah Geronimo, Aegis at ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Makakasama rin sa “AnneKulit” sina James Reid, Ex Battalion, direc-ted by Paul Basinillo with Louie Ocampo as musical director and Teacher Georcelle as dance director.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

This is a production of VIVA Live and proceeds will benefit the special projects of Dream Machine Philippines. For ticket inquiries call Ticketnet (911-5555) and VIVE Live (687-7236). Ilan sa mga sponsors ni Anne ay ang Shopee, Scratchit, Belo, Jollibee at Primadonna.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending