Gimikera, tsipanggang female personality reyna ng sablay

SAKSAKAN talaga ng hilig sa atensiyon ng isang kontrobersiyal na female personality na kung anu-anong larangan ang pinapasukan. Hindi talaga siya makapapayag na hindi siya mapansin sa kahit anong okasyong pupuntahan niya.

Gagawa at gagawa siya ng paraan para makuha niya ang atensiyon ng mga taong dadatnan niya, meron siyang gagawing kakaiba, mapansin lang siya.

Chika ng aming source, “Maraming hindi nakakaalam na nu’ng super-baguhan pa lang ang babaeng ‘yun, e, meron siyang pinapupuntang mga friends niya sa isang lugar para kunwari, e, pinagka-kaguluhan siya.

“Kunwari, na-invite siya sa isang bar, nagdadatingan ang mga kaibigan niya, nagpapanggap na mga fans niya, itinitiyempo ‘yun kapag pababa na sa sasakyan niya ang girl. Natural, sasabihin nga naman ng mga nakakakita na sikat na siya, di ba?

“Kahit saan, e, nagpupuntahan ang mga taong ‘yun, choreographed ang mga galaw nila, magkakagulo sila kapag malapit na sa kanila ang controversial female personality.

“Ang nakakaloka lang, e, ‘yun at ‘yun din naman ang mga mukhang nakikita ng mga miron na nagka-kagulo sa kanya, hindi nababago ang grupo, sila-sila lang talaga,” simulang chika ng aming impormante.

Tumigil lang kuno ang grupo nu’ng medyo naki-kilala na ang female perso-nality, nu’ng umaariba na ang mga gimik niya na siya lang ang nakakaalam kung ano ang totoo, nagpahinga na ang mga fans kuno niya.

“Magaling siyang PRO ng grupo niya, di ba? Kung anu-anong kontrobersiya ang pinaggagagawa niya, para lang sila mapansin. Kesyo may nagmamahalan sa grupo niya na parehong babae, na kesyo umiibig din siya sa kapwa niya girl at kung anu-ano pang kachipanggahan!

“Tagumpay ang hitad, pinagpipistahan nga naman ang mga kagimikan niya, napag-uusapan nga naman sila nang wala siyang ginagastusang presscon!

“Hanggang ngayon naman, e, ganu’n pa rin siya, palagi siyang nagpapakontrobersiyal, ‘yun nga lang, palagi naman siyang sablay! Reyna nga siya ng sablay, di ba?

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, isa lang ang masasabi n’yo tungkol sa babaeng itey, mukha mo!” pagtatapos ng aming source.

Read more...