Lucky you: Kiko matagal nang naboldyak ni Duterte kung wala si Sharon

SHARON CUNETA AT KIKO PANGILINAN

NAPAKALAKI nga pala ng dapat ipagpasalamat ni Senador Kiko Pangilinan sa kanyang misis na si Sharon Cuneta. Pabiro man o totohanan ay pala-ging sinasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung hindi dahil sa Megastar ay matagal na nitong binimbang ang Dilawang senador.

Hindi nakakalimutan ng pangulo na nu’ng magdiwang ng kaarawan ang kanyang anak na si Mayor Sara ay ang presensiya ni Sharon ang gusto nitong regalo.

Paborito ng mayor si Mega, nakapag-dinner naman sila, hanggang sa ang una nilang pagkikita ay naging magandang pagkakaibigan na.

Nasa kabilang ibayo ng paniniwala si Senador Kiko, halos lahat ng paninindigan ng pangulo ay inaatake nito, walang magandang nagagawa ang pangulo para sa senador.

Nagkakaisa ang mga kababayan natin sa pagsasabi na si Sharon talaga ang malakas na hangin sa ilalim ng pakpak ni Senador Kiko. Ilang ulit nang kumandidato sa Quezon City ang mister ni Mega pero palaging talunan.

Nanalo lang ang pulitiko nang maging mag-asawa na sila ni Sharon, matindi ang sakripisyo ng Megastar sa kandidatura nito nu’ng unang sumubok sa Senado, si Sharon talaga ang pinakamalaking regalo kay Senador Kiko ng kapalaran para sa kanyang mga ambisyong pampulitika.

Kaya anuman ang mangyari, sabi ng mga miron, ay hinding-hindi makakakalas si Senador Kiko sa ilalim ng laylayan ng Megastar.

Or else….

Read more...