Horoscope, August 06, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Panatiliin ang pagiging kampante. Kung mananatiling payapa ang isipan, mas maraming grasya at biyayang ang darating. Sa pag-ibig pagpasensiyahan ang kasuyong immature at sumpungin. Mapalad ang 6, 12, 33, 39, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra, “Om-Namah-Om-Namo.” Indigo at blue ang buenas na kulay.
Aries – (Marso 21-April 19)— Isang dating kakilala ang mag-aabot ng malaking halaga, wag kang tatanggi, tanggapin mo agad, sayang ang pera. Sa pag-ibig, habang abalang-abala ang lahat may magaganap na palihim ngunit masarap na romansa. Mapalad ang 3, 9, 27, 35, 39 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Ananda-Marga-Om.” Pink at silver ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Pasalamatan ang mga biyayang dumarating. Sa tuwing ikaw ay nagpapasalamat, lalo kang pagpapalain ng langit. Sa pag-ibig, sa isang charitable work, makakasumpong ng true love. Mapalad ang 4, 17, 26, 32, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Yellow at red ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—Manatili sa kasalukuyang kasuyo at tandaang walang perpektong tao kaya wala ring forever na relasyon. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa communication ka uunlad at yayaman. Mapalad ang 5, 9, 28, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Kali-Homa-Japa-Om.” Pink at purple ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Uso ang sakit ngayon. Bumili ng maraming prutas at ito ang laging kainin. Sa ganyang paraan, hindi ka tatablan ng anomang karamdaman. Sa pag-ibig, magpamasahe sa minamahal, hanggang mauwi ang massage session sa masarap na romansahan. Mapalad ang 2, 7, 20, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Maraming mga pagpapala at biyaya ng buhay ang makakamit sa araw na ito. Sa pag-ibig sa isang hindi sinasadyang pagkakataon nakakikilig na relasyon ang mararanasan. Sa pinansiyal sa tulong ng isang kaibigang manggagaling sa mala-yong lugar dagdag na salapi ang matatangap. Mapalad ang 1, 19, 26, 34, 40 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Gayatri-Dosya-Om.” Orange at red ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, wag ka nang maghanap kung saan-saan, luminga-linga sa paligid at matutuklasan mong ang tunay pa lang magpapaligaya sa iyo ay katabi mo lamang. Sa pinansiyal, gaganda ang buhay na may kaugnayan sa pera sa kalagitaaan ng buwan ng Agosto. Mapalad ang 5, 8, 26, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yama-Om.” Lilac at purple ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Ang likas na kagandahan ang hihigop ng suwerte at magandang kapalaran. Panatiliin ang pagpapa-sexy at magandang pangangatawan. Sa pinansiyal, kapag lagi kang sexy tingnan mo biglang magbabayad ang dating may utang. Mapalad ang 3, 12, 28, 31, 40 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Om.” Red at pink at buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayon ang araw na tuloy-tuloy mo ng makakamit ang lahat ng mga pangarap mo sa buhay, Ang mahalaga, magtuloy-tuloy ka lang sa iyong plano at wag susuko. Sa pag-ibig wag ng maghanap ng iba, ang kasuyo pa ring Cancer ang sa iyo ay magpapaligaya. Mapalad ang 2, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Om.” Yellow at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tanggapin ang alok ng isang kaibigan sa malayong lugar, panahon na upang maglakbay. Kapag nasa abroad ka na mas madali ka nang uunlad. Sa pag-ibig, hindi dapat pahalagahan ang pisikal na anyo, sundin ang tinitibok ng puso. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 45 at 48. Mahiwag mong mantra: “Rama-Krishna-Om.” Pink at blue ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)— Sa pag-ibig, dagdag na romansa ang dapat sa halip na magalit sa kasuyong makulit. Sa negosyo, sabihin mo lang kung ano ang gusto mong mangyari, parang magic, kusa na itong matutupad. Mapalad ang 4, 8, 13, 25, 31, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Pad-Mhe-Om.” White at beige ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Isang malapit na kaibigan ang makakasamaan ng loob dahil sa pera. Sa pag-ibig, upang wag mapahamak walang dapat pagkatiwalaan, kundi ang minamahal na isinilang sa buwan ng Disyembre. Mapalad ang 5, 13, 24, 34, 38 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Puranas-Manu-Oms.” Green at violet ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)—Mahirap magbago ng career, ang mas mahalaga sa kasalukuyan, makaipon ng maraming-maraming pera, upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, hindi pa panahon upang putulin ang relasyong matagal mo nang balak na takasan sapagkat hindi mo yan makakayang gawin. Mapalad ang 2, 7, 27, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Om.” Gray at maroon ang buenas.

Read more...